 viajera de cuenca 2005-01-25 . chapter 1Pare:
Ayoko man ng mahaba at may tugmang tula,gusto ko ang pamagat ng tula mo. (Parang may koneksyon no?)Medyo mahaba nga lang siya...conventional, kaya medyo ilang akong basahin...ito yung tipo ng tula na--pa'no ko ba sasabihin 'to--maayos pero may kulang. Maganda pero walang puso...gumamit ka nga ng standard Filipino pero pare, talagang di 'ko maramdaman yung sakit dito...dun ka siguro nagkulang...mas maganda siguro kung modern Filipino ang ginamit mo kasi saloobin mo yung pinag-uusapan.Tandaan na hindi sa lahat ng oras, ang conventional ang masusunod...na sa'yo pa rin naman kasi kung papa'no mo ipapahatid yun sa mambabasa mo...napili mo lang yung standard format, na nag-limit sa teksto mo...pare, hindi parte ng kultura ngayon (dahil medyo halata na paper ito na submitted para sa Filipino course--high school) ang klasikal na Filipino. Kung nasaktan ka sa pagpapaalam mo, okay lang ang magmura. Kung malungkot ka, ayos lang na sabihing malungkot ako dahil--blah--...bahala ka...basta sa tingin ko, --opinyon lang to pre, wag ka sanang magagalit kasi di naman lahat ganito ang sasabihin--nagsasabi ka ng isang bagay na di mo naman talaga gustong sabihin...parang sinulat mo yung ibang salita dito kasi medyo astig pakinggan...nakalimutan mo ata na sumusulat ka dahil yun ang dikta ng puso at isip mo. Pag winalang-bahala mo yung pangalawa, ayos lang...may magbabasa nung gawa mo...yung una, ibang usapan yun.
Gusto ko talaga ng title mo. |