|
|
| Home Just In Communities Forums Beta Readers Dictionary Search | Login Register Extras |
Lahat tayo'y makasarili. Dahil nagiisa lang tayo, sino pang iisipin natin kumg hindi ang ating sarili. Maaaring may roon kang mahal at handa mong ibigay ang buhay mo para sa kanya, ngunit kung tanongin kita kung bakit nyo ginawa iyon, ang sasagutin mo sa akin ay dahil masaya ka pagmabuti ang kalagayan ng minamahal mo. Makasariling rason parin.
"Bb. Santos, maari ka bang makausap." Natigil ang aking pagiisip ng marinig ko ang kanyang boses. Hindi ko namalayan na tumunog na pala ang kampana. Wala na ang mga kaklase ko sa silid.
Tinatawag na naman ako ng aking guro. Ngunit sa aking pagkakaalala ay wala akong ginawang kakaiba ngayong araw na ito. Ano naman ang kailangan niya sa akin "Bakit ho G. Soraino?" Tinitigan nya ako ng mabuti na parang nagsususpatya sya sa akin. Wala akong ginawang masama ngayon!!!
"Mayroon ka bang problema? Kung ano man iyon pwede mong sabihin sa akin." Nanlambot ang kanyang mga mata na parang sinasabing magtiwala ka sa akin. Nakakasuka sya. Hindi ko kailangan ng kanyang awa. Walang syang karapatang tanongin sakin iyon. Nangiinit ang aking dugo sa mga taong katulad niya, mga taong nagpapanggap na may malasakit sa akin o sa ibang tao maliban sa kanilang sarili. Nagiisa laman ako. Nagiisa tayong lahat.
"Wala ho G. Soriano." Binigyan ko sya ng pekeng ngiti. Ginagamit ko
ang ngiti na iyon upang hindi makita ng tao ang tunay kong nararamdaman.
Wala na silang pakiilam kung ano man ang nararamdaman ko.
Lumabas ako ng sild upang tumungo sa aking susunod na klase. Nasira
ang araw ko dahil sa ka nya. Kung mamatay ako hindi man siya iiyak.
Sinunglaing siya. Mga hipokrita silang lahat.
~
Naghihintay ako ngayon na dumating ang susunod kong klase. Lahat sila'y nahuli ngayon. Dpat ay sinabi ko na ito sa administrador, ngunit iba ang na sa isip ko. Bumabagabag sa akin ang paguusap namin kanina ni Bb. Santos. Matalinong bata si Bb. Santos, ngumit maroon siyang pasanin na Masyadong mabigat dalhin kahit para sa isang katulad niya.
Kinuha ko ang kanyang huling pagsuslit mula sa aking kunos. Isa sya sa mga istudyanteng may perpektong marka. Sa totoo lang, lahat ng kanyang mga marka ay perpekto. Hindi na nakakagulat ang mga resulta ng pagsusulit. Nasanay na kami sa kanya. Isa syang Henyo. Napakarami nyang mga talento. Ngunit nakikita kong nagdurusa sya. Mayroon syang tinatagong sakit, ngunit bakit? Hindi ko alam. Ako ang kanyang guro pero hindi ko syang kilala. Napaka inutil ko naman.
Binalik ko ang kanyang papel ng dumating ang aking susunod na klase. ~ Kinabukasan.
Nakaupo na naman sya sa pinaka likod na upuan. Hindi sya nakikinig sa akin, ngunit hindi ako nagagalit. Nakatuno ang kanyang ulo para hindi ko makita ang kanyang mukha. Ngunit alam ko na ang itsura nito. Blangko. Ang mukha nya'y palaging blangko. Parang wala syang nararamdaman. Parang wala syang puso. Kinikimkim nya lahat ng sakit at galit. Isang araw sasabog lahat. Isang araw sasabog siya.
"Bibigyan ko kayo ng gawaing upuan ngayon. Kumuha kayo ng isang buong papel at kopyahin ang aking isusulat sa pisara." Mukhang dismayado ang aking mga istudyante ng sinabi ko ito. Pabagal- bagal pa silang gumagalaw.
Pagkatapos kong magsulat sa pisara ay nilapitan ko ang kanyang upuan.
"Bb. Santos maari ba kitang makausap?" Tumayo sya sa kanyang upuan at sinundan ako patungo sa aking mesa. Naupo ako at tinitigan sya. Hindi man nya ako tiningnan. Nakatungo parin ang kanyang ulo at walang kabuhay-buhay ang kanyang tindig.
"Bakit hindi mo sabihin sa akin kung ano ang bumabagabag sayo. Maiintindihan ko." Biglang nanigas ang kanyang katawan at nanginginig ang kanyang kamay. Inangat nya ang kanyang ulo at tinitigan ako sa mata.
Ang kanyang mga mata na dati ay malamig ay nagaapoy bigla sa galit. Nakakatakot ang kanyang titig sa akin. Para syang sasabog.
"Tumahimik ka." Nanginginig ang pabulong nyang boses. Pinipigilan parin nya ang kanyang sarili.
"Bb. Santos, Jennelyn, sabihin mo sa akin. Kayang kitang tulungan." Guru nya ako. Kung papayagan lamang nya ako ay malaki ang maitutulong ko.
"Hipokrita ka!! Wala kang pakiilam sa akin!! Sino ka ba sa tingin mo?!" Napakalakas ng kanyang boses na napatingin ang kanyang mga kaklase.
"Akong iyong guru. Mayroon akong malasakit sa iyo. Magtiwala ka sa akin." Kailangan kong maipakita sa kanya na pwede syang maniwala sa akin. Kailangan nyang Makita na maiintindihan ko sya.
"SINUNGALING!!!!!" Napakalakas ng kanyang sigaw na marahil narinig na ng kabilang silid.
Sinilid niya ang kanyang kamay sa kanyang bulsa at naglabas sya ng instrumentong pang kamatayan. Tinutukan nya ako ng baril.
Sinungaling siya. Wala syang pakiilam sa akin. Makasarili lahat ng tao at ang pagsabi nyang may malasakit sya sa akin ay nagpapatunay na hipokrita sya.
Dapat ang mga taong katulad nya ay mamatay. Mga sinungaling at mga manloloko. Bibigyan niya ako ng pagasa at babawiin rin nya ito. Aatras rin sya kapag napagod na siya.
"Jennelyn, baba mo na ang baril. Hindi mo ako babarilin." Ang yabang nya. Akala nya alam nya ang lahat. Akala nya kilala nya ako. Sinusubukan nya ako hah.
Ginamit ko ang mansanas na nasa mesa nya upang hindi marinig ng kabilang klase ang putok ng baril. Tumama ang bala sa kanyang kanang braso. Agad na nagmantsa ang pulang nyang dugo sa puti nyang polo. Bakat sa kanyang mukha ang sakit ngunit di siya sumigaw o gumawa ng kahit anong ingay.
"Huwag mo akong ihahalintulad sa iyo. Hindi ako sinungaling." Tinutik so ang baril sa kanyang ulo. Alam na siguro nya na ang susunod na paputok ay papatay sa kanya.
Hinablot ko ang cell phone ng kaklase ko sa aking likuran. Nakita kong ginagamit nya iyon nung papanik ako sa mesa ng aking guro. Ngunit natigilan sya sa, katulad ng aking iba pang mga kaklase, ng nilabas ko ang baril.
Nilapag ko ang cell phone sa mesa. Nagtaka ang aking guro kung anong gagawin ko.
"Gamitin mo ang cell phone. Tumawag ka ng pulis." Nagulat sya sa aking sinabi. Halatang hindi nya inaasahan ang aking pinagagawa sa kanya. "Bakit?"
"Kung hindi mo gagawin mamatay ka. Kulang pa ba ang rason na iyon." Kinuha nya ang cell phone at tumawag sya sa mga pulis.
" Hello, Pulis Department? Magpadala ho kayo ng mga pulis at ambulansya sa Escolta Highschool. Meron hong nabaril dito." Nilapag nya ulit ang cell phone sa mesa. Nang gawin nya ito ay nilapag ko narin ang baril. Wala na itong silbi. Napatunayan ko na ang aking punto.
Makasarili siya katulad ng iba. Handa nyang sirain ang buhay ko para siya ay mabuhay. Nagiisa lang ako at sa mundong ito walang ibang tutlong sa akin kung hindi ang aking sarili. Ngunit ano pa ba ang rason para tumuloy? Bakit hindi ko na lang hayaang lamunin ako ng lupa.
Naputol ang aking pagiisip nang maramdaman ko ang malamig na bakal na nakadikit sa aking noo. Inangat ko ang aking ulo tiningnan ko sya muli. Napakakalmado ng kanyang mukha kahit na ang lakas ng pagdaloy ng dugo sa kanyang braso. Hindi man niya iniinda ang sakit.
"Sige ituloy mo." Wala na rin akong pakiilam kung anong mangyari sa akin. Kung mamatay ako wala ri namang malulungkot, walang mawawalan. Buti pang matapos na. Para wala naring sakit.
"Hindi kita papatayin." Seryoso ang kanyang mukha ngunit malambot parin ang kanyang mga mata. Ano ang kanyang pinaplano ngayon?
Nagulat ako nang pinaputukan nya ako at tumama ang bala sa aking kaliwang balikat. Napakasakit pero wala akong pakiilam. Sa isang banda parang nawawala na rin ang sakit na matagal ko nang nararamdaman habang dumadaloy ang akin dugo.
Tatanungin ko sana sya kung bakit, ngunit hindi na niya akong hinayaang magtanong. Sinagot na niya na parang nababasa niya ang aking isipan.
"Pagdating ng mga pulis sabihin mo sa kanila na sa akin ang baril at tinutok ko ito sa iyo. Sabihin mo sa kanila na sinubukan mong agawin ang baril kaya ako may tama. Narinig na siguro ng kabilang klase ang paputok ko. 2-c yun din ang ang sasabihin nyo sa mga pulis pagdating nila."
"Bakit?" Hindi ko maiintindihan kung bakit nya ginagawa ito. Bakit ba sya nagpapakabayani? Bakit nya sasaluhin lahat?
"Tama ka makasarili tayong lahat. Ang rason ko ay hindi naiiba.
Ginagawa ko ito dahil hindi kakayanin ng konsyensya ko na makitang tinapon
mo ang buhay mo. Guro mo ako. Tungkulin kong tulungan ka. Kung ito'y hindi
ko magagawa ay magiging isa akong inutil. Kaya sasaluhin ko ang lahat upang
ika'y mabuhay. Papasanin ko ang iyong krus."
~
Pagkalipas ng dalawang taon.
"Papasanin ko ang iyong krus." Ito ang huli nyang mga salita bago sya dinampot ng mga pulis. Habang pinoposasan nila siya ay hindi ko man siya matingnan sa mata. Pinanonood ko na lamang ang paghalo ng ang dugo. Lumaganap ang tsismis sa buong paaralan. Kesyo nagsuntukan daw kami at bugbog sarado daw ako. Mero pang isa na nagsabi na meron daw kaming relasyon at nang tinapos ko ito ay hindi daw nya matanggap. Napakaramin hakahaka, ngunit wala sa mga kaklase ko ang nagsalita. Mataas ang respeto nila sa aking guro. Nararapat lang iyon para kay G. Soriano.
Nasentensyahan sya ng 50 taon sa bilangguan. Paglabas niya ay siguro'y matanda na siya at wala ng hinaharap.
Marahil ngang makasarili ang kanyang mga rason upang gawin ang kanyang gianawa. Ngunit hindi ko makakalimutan ang ganong klaseng kabutihan. Habang buhay akong tatanaw ng utang na loob sa kanya. Hindi lang dahil inako nya ang lahat ngunit dahil binigyan rin nya ako ng panibagong pagasa at lakas para mabuhay. Niligtas niya ako sa kawalan na akin nararamdaman.
Naniniwala parin ako na lahat ng tao ay makasarili. Ngunit meron din akong ibang natuklasan. Sa mundong ito ay hindi tayo nagiisa.
[tapos]