| Home Just In Communities Forums Beta Readers Dictionary Search | Login Register Extras |
Ako At Ang Aking Kinabukasan
Itabi mo’ng sulat na bigay ko sa’yo’
Paglipas ng panaho’y saka buksan mo.
Kahit ako ma’y nasa dulo ng mundo,
Kahit anong mangyari’y nandito ako.
May mga pangako bang hindi natupad,
Na parang mga ibong hindi makalipad?
Ang bayan ba nati’y di na uunlad,
Kahirapa’t krimen ay sagad-sagad?
Ako ba’y sawi na at iniiyakan,
O tagumpay na’t lubos ang kayamanan?
Ako ba’y tumatangis sa kahirapan,
Saka tinalikuran ng kaibigan?
Sino’ng nakakaalam ng hinaharap?
Kahit pa manghuhulay hirap na hirap.
Maaaring mawala ng isang kisap,
Sabihin n’yo nga kayo’y mag-usap-usap.
Ano’ng mapupunta sa aking mga kamay?
Gulong kapalaran ay hinihintay.
Ito ba’y binutas ng mga kaaway?
Pagsapit ng bukas ay hagkan mo’ng tunay.
A/N: Muzta???? Tula ito na pinagawa ng teacher naming sa Filipino, si Bb. Ma. Cristina Ramos. Ang pamagat talaga ay “Ako At Ang Aking Kinabukasan.” Bahala na kami sa kung ano nilalaman. Sa totoo lang, sa palagay ko dapat pinalitan ko yung title, pero dun kasi nanggaling ang lahat--- sa title. Ginawa ko ‘to nung 1st grading naming ngayong school year na ‘to. Bahala na kayong mag-interpret kung ano ibig kong sabihin dito.
Reach for the stars!
-witchazel19-