Home Just In Communities Forums Beta Readers Dictionary Search Login Register Extras
Poetry » Love » Ang Pamamaalam ng Isang Sundalo font: B s : A A A . width: full 3/4 1/2
Author: love-in-a-mist
Fiction Rated: K+ - Filipino - Romance/Angst - Reviews: 1 - Published: 01-21-05 - Updated: 01-21-05 - id:1813083

Ang Pamamaalam ng Isang Sundalo

Maaari ba kitang ibigin nang lubos?
Kahit isinumpa kong ika’y kamumuhian,
Pag-asa ko’y unti-unti nang nauubos,
Gustuhin ma’y laban sa kanilang kalooban.

Malapit na noon ang iyong kaarawan,
Bago-bago pa lamang ako sa paaralan.
Kikislap-kislap ang iyong matamis na ngiti,
Kaya naman ako’y di sa’yo nakatanggi.

Maaari ba kitang kamuhian na lamang
Samantalang di ko naman kayang gampanan?
Dapat ko lang daw sundin ang kanilang utos
Kaya ba di ako pwedeng magmahal ng lubos?

Pumatungo na ako sa iyong handaan,
Sabi nila’y tatapusin ko ang iyong buhay.
Ngunit magagawa ko bang ikaw ay saktan
Kahit ang buhay ko man ay kanilang lagutan?

Oo, ako lamang ay isa ngang sundalo,
Isa lamang utusan, isang mamamatay-tao,
Isa lamang espiya at yaong manloloko,
Na di karapat-dapat sa pagmamahal mo.

Dumating nga ang takdang-oras na inihain,
Ng yaong mga taong gusto kang patayin.
Labag man ‘to sa batas na dapat kong sundin,
Ibinaba ko ko’ng baril at noo’y sumuko din.

Maaari ba kitang ibigin ng lubos
Kung buhay mo’y malalagay sa kapahamakan?
Ngunit pa’no naman kita kamumuhian
Kung ang damdaming ito’y di ko kayang tanggihan?

Nabigla na lang ako nang ikaw’y humarang,
Sa akin at dun sa isa ko pang kasamahan.
Noon pala’y sinagip mo ang aking buhay
Noo’y mahal mo rin pala ako, s’ya ngang tunay!

Ngunit nararapat bang mahalin mo rin ako
Sa kabila ng utos na gawin ko sa’yo?
Ngayong nangyari na nga ang kinatatakutan
Malutas kaya ito ng pag-ibig lamang?

Hindi na nakayanan ng iyong katawan,
At pagkatapos noon ikaw ay lumisan.
O, minamahal ko! Ikaw ngayon ay nasaan?
Buhay ko’y ibibigay para ka lang mahagkan!

At ngayon ay ako naman ang bibitayin,
Nandito sa bayan ko’ng pinaglingkuran din.
Sana’y salubungin mo ako sa pinto ng langit,
Dahil gusto kitang makapiling kahit saglit.

Kaya naman ako ngayo’y nagpapaalam na,
Sana’y maalala nila ang ating pagsinta.
Inaamin ko na, minahal nga rin kita,
Sana naman ay tularan din ng iba.

Dahil kahit kamataya’y haharapin ko,
Basta ikaw din ay nandito sa tabi ko.
Bata man nga akong mawawala sa mundo,
Sa huli ay nalaman nilang tao din ako.


A/N: Wah! Muzta na kayo mga peeps???? Isinulat ko uli ito dahil kay Bb. Ma. Cristina Ramos, ang Filipino teacher namin. Ang lesson kasi naming nun ay “Romantisismo.” 15/15 ang nakuha ko.

Pinabasa ko ‘to sa mga kaibigan ko. Isa sa kanila, si Rodessa Dayao, ang sabi niya ang ganda daw. Hay… Ang lungkot no? Patay na yung minamahal n’yang babae. Tapos siya naman yung sumunod. Sa totoo lang, bago ito para sa’kin. Mas mahilig kasi ako sa mga happy endings. Ayoko ng malulungkot. Tuwing binabasa ko ‘to, naaalala ko sina Heero Yuy at Relena Darlian/Peacecraft ng Gundam Wing. Isa sa mga favorite ko yon!

Sa lahat ng mga tulang nagawa ko, ito lang ang istorya na gawa-gawa ko lamang. At nasa punto de vista pa ng lalaki--- ng isang sundalo. Nagawa ko lang ito sa loob ng isang gabi (proud na proud ako sa sarili ko, syempre), kaya naman antok na antok ako kinabukasan noon.

May isa pa akong tula na ang pamagat naman ay “Lihim na Pagsinta.” Hindi ko mahanap eh. Madami kasi akong mga nakatagong mga papel sa kwarto ko. 7 stanzas yon. Yun yung kauna-unahan kong tulang Filipinong nagawa ko sa buhay ko na maipagmamalaki ko. Again, pinaggawa ito ng guro naming sa Filipino. Si Gng. Rowena Guanio naman. Perfect score yun eh… Dun ko kasi ibinuhos yung damdamin ko para sa isang taga-II-Judith noon.

Ang haba ng author’s note ko no? Sige na nga… Pasensya na. Sakit ko kasi yun pag nasa mood ako eh. nn

Reach for the stars!

-witchazel19-



Return to Top