|
|
| Home Just In Communities Forums Beta Readers Dictionary Search | Login Register Extras |
Lahat nang nagmamahal ay gusto ilabas ang kanilang pag-ibig. Ngunit hindi lahat tayo ay makata. Hindi rin lahat ay may lubos na tapang upang sabihin at ipahayag ang pag-ibig. Tulad nang nilalang sa tula, nagsulat na ako nang marami tungkol sa pag-ibig, ngunit tulad niya, nahihirapan na ako mag-isip pa, dahil wala na akong maisulat. Pero may isang ipinapakita ang tula na wala saakin: ang katapangan.
Nakaya nang manunulat iphayag ang kanyang pag-ibig. Kahit marami na ako naisulat para sa aking minamahal, hindi ko parin masabi sa kanya. Lahat nang mga sulat ko sa kanya ay itinatapon ko agad para walang makakita. Pinag hirapan ko maging kaibigan siya, para makausap ko lang siya. Pero wala talaga. Medyo matatakutin kasi ako. Parang maliit na kapatid ang pagtrato niya saakin. Ang galing pa niya magsulat nang kanta at tumugtog ng gitara. Popular. Ano mangyayari kung malaman niya ang pagmahal ko sa kanya?
"Gasgas na lahat. Wala nang silbi, kung sasabihin ko pa na mahal kita." Iyan ang pinaka konklusyon nang tula. Mahal kita. Hindi na dapat magsulat ng napakahabang kabanata pa. Lahat nang nadarama mo ay pwedeng ilabas sa pagsabi lang nang "Mahal kita". Ito na ang pinakagitna at pinaka-purong mga salita na katumbas nang ano man isulat mo, kahit isang buong epiko pa iyan. Yoon ang gusto sabihin nang awtor nang tula. Ilabas na ang lahat nang damdamin sa pagsabi lang nang maiksing pangungusap na iyon. Sana masabi ko narin sa minamahal ko.
Eto narin ang tulang "Gasgas na Lahat":
Gasgas na lahat
Wala na akong maisulat
Wala nang silbi
Ang bago kong panulat
Gasgas na lahat
Wala na akong maisip
Nagawa na lahat ng pwede
Posible naman o imposible
Gasgas na lahat
Wala nang silbi
Kung isulat ko pa
Ang aking nadarama
Gasgas na lahat
Wala nang silbi
Kung sasabihin ko pa
Na mahal kita
---Anonymous---