Home Just In Communities Forums Beta Readers Dictionary Search Login Register Extras
Fiction » Romance » Ako, Ikaw, Siya font: B s : A A A . width: full 3/4 1/2
Author: darkquill
Fiction Rated: T - Filipino - Humor/Drama - Reviews: 12 - Published: 04-29-05 - Updated: 11-14-06 - id:1899119

Alam mo ba ang nararamdaman ng isang kagaya ko? Hindi ko siya maalis sa aking pagiisip pero anong gagawin ko? magmukmok? nye?! Sumulat kaya ako kay Joe D'Mango? Aba! Baka dahil sa akin pwede pa siyang magka-career noh!!! Mapupunta pa siya sa primetime at itatapat sa Master Showman ni kuya Germs.. primetime pa ba yun? Ah basta! tulungan niyo naman ako! Mahal ko na siya! Pero ayokong sabihin ito kay Ada... kasi naman... baka isipin niya baka masira ang pagiging magbabarkada namin nina Jet.. 6 years na ata ang pagiging magfre-friendsters naming tatlo! Since grade 5 eh magkakasama na kami! Wala na ngang maitatago pa ang dalawang yun sa akin! Huwag kayong maingay ha.. pero nadivirginize si Ada nung third year high school kami... sumama kasi sa kadate niya nung js prom... malandi eh!Hahaha... Si Jet? Naku chick boy kasi yan! Mai-inlove ba ako kung hindi? Ayaw nga lang umamin kung virgin pa o hindi... isa lang ang pinroproblema ko ngayon... gragraduate na kami sa March. Magkakahiwahiwalay na kaming tatlong magbabarkada... feeling ko kapag mas magkakalayo kami eh mas maglo-long ako kay Jet! Putang inang love naman kasi! Hindi ko na alam ang gagawin ko... i mean every day, every night ko na lang naiisip si Jet... alam mo ba yung kanta ni Jolina? T.L. ba yun? parang ganun! Wala naman akong mapagsabihan kunghindi ikaw lang... on-line journal ko lang naman kasi ang kaya kong sabihan ng aking mga deepest darkest secrets! Punyeta! Nade-depress na naman ako niyan.. If I can just kiss him once... masaya na siguro ako.. Ambisyosa! Hala! Pinapantasya ko na ba si papa Jet? OMG!! Ano kaya ang gagawin ko... hindi ko alam.. bahala na... hayaan ko na lang bang umalis ito? Ang nararamdaman kong alam ko namang kahit sa panaginip eh never naman talagang magkakatotoo... Alam mo ba yung feeling na kapag nakakapanood ng Wowee-Juday eh iniisipmong ikaw sila?Ako si Juday tapos si Jet si Wowee.. Sige mas latest naman, ililipad ko siya sa langit dahil ako si Darna at siya naman si Efren! Anak nang pucha! Pakshet!Nakakakilig ha!!! Im fainting!!! uh... saluhin mo ako Jet... waahhh!!! Tulungan niyo ako.. hindi ko na alam ang gagawin ko talaga.. baka bukas sa mental na ko damputin.... ano na? Bakit kasi sa dinamidami ng mga kalalakihan sa buong Pilipinas eh diyan pa ako kay Jet na-inlove! Pwede naman kay Piolo Pascual o kaya kay Raineer Castillo na lang noh? Bakit sa best friend ko pa, kabarkada ko, at-- sa kapwa ko pa lalaki ako nainlove.... kasalan bang magmahal sa kapwa mong lalaki? I mean liberated na ang mga tao ngayon. hindi ba nila matanggap na may kagaya ko sa lipunan... Hindi ko ginusto itong nararamdaman ko.. tao lang akong nagkakamali... nagkataon lang siguro na lalaki ang tinitibok nang puso ko... isa akong yummy, sexy and delicious woman trapped inside a man's body.. nagkataon lang na...

ang computer...

"Putang ina!!! brown out!!!!!"

Walang nagawa si Teri. Nawalan ng kuryente at hindi niya nai-save ang entry niya sa kanyang Live Journal. Lalo pa siyang na bad trip nang nalaman niyang hindi niya mapapanood ang Darna at Full House. 12 hours daw mawawalan nang kuryente. Labing dalawang oras na kadiliman, gaya nang puso niya na labing dalawang tanong ang nilalaman. Walang kasiguruhan ang kanyang pagmamahal na hinahanap hanap. Mga tanong na siya lamang ang nakakaalam ng mga kasagutan at siya lamang ang makakaintindi. Iba siya sa lipunang mapanghusga at mapanggamit. Ang pagiging iba na kailanman eh hindi niya hiniling kay Fairy God Mother oh isinulat sa Wish Ko Lang.

"Let the love begin.. Let the love come shining in..."

"May kuryente na?!"

"Tanga! Reng ton ko yan! Alam mo ba angsil pownha, ser?" Kulit nang may bisayang kasambahay...



Return to Top