Home Just In Communities Forums Beta Readers Dictionary Search Login Register Extras
Poetry » Love » Halika font: B s : A A A . width: full 3/4 1/2
Author: FlawedDreamer
Fiction Rated: K - Filipino - Romance/Drama - Reviews: 4 - Published: 05-14-05 - Updated: 05-14-05 - id:1913158
halika halika sa aki'y sumama

ating layuan kalungkutan at pighati

tayo'y tumuloy sa isang minimithing paraiso

sa Edeng pinagkait kay Eba't Adan

at doon sa dilim ng ating kapaligiran

kung saan maririnig ang huni ng hangin

kung saan libolibiong alitaptap ang ating kandila

at sa harap ng diyos ng buwan at mga bituin

ako'y aamin;lahat ng lihim mabubunyag,masisiwalat

aking tanging hiling at panalangin

ako'y maintindihan

at sana'y sa ating pagbalik sa lupang sinumpa

ating mabaon kahit kapiranggot na langit

at nawa'y ang pirasong yon, sa isa't isa'y makita



Return to Top