| Home Just In Communities Forums Beta Readers Dictionary Search | Login Register Extras |
Mahal ko siya
Kaysarap ng ating pagtitinginan
Na parang matagal nang nagmamahalan
Sa tuwing kikislap ang iyong mata
Hindi ko mapigilang maging masaya
Hindi ko maisip kung bakit ganito
Nahihirapan akong sabihin sa iyo
Mga katagang "ikaw ay mahal ko"
Pagkat baka ako ay iwasan mo
Paano ba masasabi sa ito sa iyo
Itong nilalaman ng aking puso
Ayoko rin na ikaw ay lumayo
Sadyang kayhirap sabihin nito
Mahal ko siya, paano na yaon?
Ang itinanong sa aking sarili
Ngunit kailangan na sabihin ngayon
Baka ako ay magsisi rin sa huli
Ngunit tuwing nakikita siya
Lagi nalang nauunahan ng kaba
Paano niya malalamang mahal ko siya
Kung iniiwas ko ang sarili sa kanya
Mahal ko siya, sasabihin ko na
Baka ako'y maunahan pa ng iba
Malay mo, may pagtingin din siya
Ngunit tulad ko, nauunahan ng hiya
Notes: this goes to my Bez, Michael, astig ka 'tol! Kaya mo yan! Aja!