| Home Just In Communities Forums Beta Readers Dictionary Search | Login Register Extras |
Bakit ganun no? Minsan may mga bagay talaga na nagiging bahagi mo na, parang body part na 'pag pinilit alisin e you won't the be same. Minsan talaga maiisip mo na pinaglalaruan ka. Kung kailan malapit na yung bagay na yun, ayan na, halos hawak mo na, saka pa ilalayo sa 'yo. Parang etong taong 'to. Hindi ko siya makalimutan, kahit na dalawang taon na ang binilang ko mag-isa... Kakaiba rin talaga yung sense of humor ni Lord, no?
Second year high school lang ako nun nung una ko siyang nakita, naglalakad papunta sa Principal's Office. Ang pangalan nya ay Alexander Delan, third year, new student. Matangkad, maputi at may pagka-chinito: definition ng maraming girls sa 'good-looking'. Kakaiba daw talaga siya dahil mahiyain pero super bait sa mga girls, kaya naman nung kumalat sa buong campus na player namin siya sa taekwondo, tumaas ng 50 yung membership ng Taekwondo Club namin sa school. Blackbelt na daw yun, kasama niya yung tropa ko na si Olie (babae yun 'ha) na eight years old pa lang ata e nagsisisipa na. Isama mo yung killer looks at smile nya sa ugali niyang mabait, e siya na ata ang perfect guy.
Dapat simple as that, magkakilala na kami ni perfect guy, di ba? Tutal, friend niya naman si Olie na friend ko rin, so ba't di pa kami magkakilala? E kasi hindi ko naman pinagkalat na crush ko si Alex. May pagka-anti social kasi ako e, parang hindi ako nakikisakay sa mga flavor of the month, ganun yung pagkakakilala sakin sa school. Baka masira yung image ko pag nalaman ng lahat na nakiki-crush din ako kay Alex. Wag na, no?
So ayon, tulad ng lahat, sumali din ako sa Taekwondo Club namin, kunwari sumunod ako dun sa pagpipilit nung seatmate ko na maki-join din. Obviously, myembro siya ng I LOVE ALEX DELAN CLUB pero hindi ako nagpahalata na ka-federasyon ako. So ayun, sumali ako. Medyo nagulat nga si Olie dahil biglaan daw yung pagsali ko sa Taek Club pero dahil may excuse na ako na kinulit ako nung seatmate ko, hindi na siya nagtaka.
Sa gitna ng lahat ng yun, mabait pa rin daw si Alex. Parang hindi niya ata nahalata na parang biglang sumikip yung gym tuwing oras na ng Taek Club dahil sa kanya. Dahil paminsan-minsan e nag-aassist siya sa 'ming mga white belt, kahit papano naman e nasisilayan ko sya. Hindi ko nga malilimutan yung first time na pinansin niya ako habang nag-sesession. Napaupo kasi ako sa gitna nung mat dahil nanginginig na yung tuhod ko sa sunod-sunod na stretch kick na pinagawa sa min ni Sir Pol, yung taek instructor namin. Alam nyo yung feeling na parang nagbakasyon muna yung tuhod nyo? Ganon. Imagine naman kasi, fifty na stretch kick daw ba per leg, sunod-sunod? Kung hindi torture yun e hindi ko na alam kung ano ang torture. Nanlambot yung mga paa ko, medyo umiikot na yung gym...
'Miss, ok ka pa ba?' tanong ni Alex. Nung una natulala lang ako. Ha? Kausap mo ba ako? Teka, nasan ba yung boses ko? Sumama rin ba sa tuhod ko yung dila ko na nagbakasyon?
Parang natawa lang siya, tapos inabutan niya ako ng mineral water - yung mineral water niya. WOW! MINERAL WATER NIYA! AHAHAHAHA! Ibig sabihin, pag uminom ako dito, para ko na rin siyang nahalikan! Dahil nga naglahong parang bula yung bokabularyo ko, uminom na lang ako tapos nagpahinga ng konti para hindi niya mapansin na hindi ako makapagsalita kapag napapalapit siya sa kin. Baka mamaya isipin niya inutil ako at baka tuluyan nang mawala yung chance ko sa kanya... CHANCE? GAGA! Anong chance? Anong chance ang pinagsasasabi mo? Lahing abnuy talaga ang lola nyo o - pasensya na, medyo nananaginip lang ako ng gising.
Ok lang, nagising naman ako soon after - dahil sa katulad nya nga, imposible na walang pinopormahan, di ba? E di nalaman ko na lang na nililigawan niya pala si Mary Rose, yung kaaway ko na super bi-a-tch. Ok, so maganda nga sya, so popular nga sya... Kaso nga lang, wala naman siyang kwenta! Di ba nga sabi ko anti-social ako? Kalaban ko yun sa Debate Team e - sa bagay, hindi ko nga pala alam kung paano nakapasok yun sa debate team dahil wala naman siyang kwenta sa debate. Ang funny talaga no? Magkaka-crush na nga lang ako, ibibigay pa ni Lord dun sa kalaban ko? Hahahaha talaga. Ang funny mo talaga, Lord.
Madalas sila ni Mary Rose na kumakain sa canteen, silang dalawa lang, o kaya minsan, kasama nila yung tropa-tropa nila, pero ang hindi pwedeng mawala yung holding hands sila kapag kumakain. Minsan nga nakasabay ko sila bumili ng iced tea at syempre, dahil siya yung lalaki at gentleman siya, sagot niya yung drinks... Sana ako rin, someday, bilhan nya ng iced tea... DOINK! Loka-loka! Managinip ka na lang! Isa pa, madalas sila nakatambay sa labas ng gym bago magsimula yung session namin sa Taek Club. Nagtatawanan, naghahawakan ng kamay - ARGH!!! Teka nga, sino ba siya? Sino ba si Alex Delan para isipin ko ng ganito? Para naman iniisip nya rin ako, no? Bahala nga siya dyan! Minsan extra inis ako (uy, hindi dahil naghahawakan sila ng kamay bago yung session na yun ha, promise!) napalakas yung sipa ko dun sa kick pad - Fly, fly, fly yung kick pad - BAM! Alam nyo kung saan tumama? Sa batok ni Alex na nakatayo sa harap nung linya namin na may hawak rin na kick pad. HAHAHAHA! Buti nga!
Pero sa di maipaliwanag na dahilan e biglang kumalat ang balita na split na raw sina Alex at Mary Rose. Tuwang-tuwa naman ang lola nyo! Pero hindi naman nya ako masyadong pinapansin - to be more correct, hindi niya talaga ako pinapansin. Dumaan na ang sembreak at pasko pero hindi nya pa rin ako kakilala - samantalang nakakadalawang promotion na ako ng belt at mag-aanim na buwan na akong kasama sa Taek Club! Di ko naman makulit si Olie na ipakilala ako kahit na alam kong friend nya yun dahil nga ako lang ang nakakaalam na crush ko sya, di ba?
Kaya naman nagulat ako nung isang tournament namin - kakatapos ko lang kasing ma-eliminate sa semi-finals, tapos umupo ako sa bleachers ng team namin para mag-ayos ng gamit. Laking gulat ko nung bigla siyang umupo sa tabi ko. Pinigilan ko na manlaki yung mga mata ko. Bakit - bakit ako tinatabihan ni Alex Delan? Feeling ko aatakihin ako sa puso nung bigla niya akong kinausap.
ALEX: Ang galing natin ha!
Ha? Ako? Magaling? Huwaaaat?! Have I died and gone to heaven? Pinilit kong makabuo ng sentence na may sense para isagot ko sa kanya:
AKO: Anong magaling? Na-eliminate na nga ako e!
ALEX: Oo nga, pero astig ka sumipa ha! Napansin ko ang lupit ng roundhouse mo! Talsik siya dun sa huli mong roundhouse sa second round... flashes his killer smile
AKO: Ganun ba? Thanks...
Pagkatapos nun, tinawag na siya ni Sir Pol para makapaghanda na siya sa laban niya. Tumayo na siya, nginingitian pa rin ako. Nag-good luck ako sa kanya bago siya lumayo sa kin. For a moment, tulala ako. Sinabihan ba talaga ako ni Alex na may talent ako dito? Si Alex Delan na nga yung nagsabi sa'kin na may talent ako dito, e di ba beterano na yun ng mga tournament? Sino ba naman ako para kumontra, di ba?
Nanalo si Alex ng gold sa featherweight division. Siyempre, umuwi naman akong luhaan dahil wala akong medal - naeliminate na nga ako, di ba? Haaay... Kaya ayun, mahaba ang mukha ko habang lumalabas ako ng stadium. Nagulat ako nung nilapitan niya ulit ako - 'Ayos lang yan... Halika, libre kita sa McDo' - sabay turo dun sa McDo sa harap ng stadium at killer smile sya sa kin. Wow! Ang swerte ko naman ngayong araw na 'to! Hindi agad ako nakasagot. Inakbayan ako ni Olie, sabay yaya - 'Sama ka na, you deserve it. Hindi lahat ng first timer e nakakaabot sa semi-finals.' 'Sama ka na, Lia,' sabi ni Alex. 'Ililibre ko na naman sila Kuya Bryan e - sama ka na.' (Si Kuya Bryan yung senior blackbelt namin - president ng taek club at fourth year na.)
WOW! Teka nga... Sinabi niya yung pangalan ko, right? Sabi niya, 'LIA'... Pangalan ko yun a! WOW! Kilala nya na pala ako sa pangalan! WOW! E di sumama na nga ako sa McDo, nilibre nya kami dahil nanalo yung team namin, courtesy of the golds nina Kuya Bry, Alex at Olie, tsaka syempre nung iba pa na hindi namin kasama. Ang saya palang kasama nung mga blackbelt, astig sila. All the while, habang kumakain ako ng french fries, kinikilig ako dahil ibang makatitig si Alex sa kin. Patawa rin siya ng patawa, pero alam ko na hinihintay nya yung mga sasabihin ko.
Ako na yata yung pinakamasayang tao sa mundo nung mga sumunod na buwan. Pag nagkakasalubong, nginingitian niya ako, minsan kinakausap kapag nagkikita sa corridor para sabihan ng announcement tungkol sa Taek Club. Madalas din, kapag session namin at nag-aassist siya e kukulitin niya ako. Feeling ko may pinahihiwatig siya sa kin... Pero takot akong i-explore yung possibility na baka yun na yun... DOINK! Ha? Ikaw, magiging crush ni Alex? Ilusyonada! Sad to say, dumating rin and katapusan ng taon. Nag-finals na kami at natapos ang buhay second year ko. Lungkot na lungkot ako dahil dalawang buwan ko siyang hindi makikita at makakatawanan...
Dumaan ang dalawang buwan ng hindi kami nagkikita o nag-uusap.
PERO HINDI DOON NAGTAPOS ANG LAHAT...