|
|
| Home Just In Communities Forums Beta Readers Dictionary Search | Login Register Extras |
KARUGTONG
Sugat sa aking katahimikan
Buong akala’y naghilom
Kirot na kinalimutan
Bumabalik, nanghahamon.
Kabanatang pilit tinapos
Sumusulat ng karugtong
Tauha’y muling kumikilos
At nabubuhay ulit ang mga tanong.
Kaya bang ‘di bigyan pansin,
Masidhing lungkot na sa puso’y kinikimkim?
Kaya ba talagang tiisin
Ang pag-iisa sa aking lihim?