| Home Just In Communities Forums Beta Readers Dictionary Search | Login Register Extras |
Ikaw…
Dumating ka sa’kin noong ako’y sobrang baba
Dumating ka sa’kin na may simpleng “Kamusta?”
Hindi pa ako naging ganon kasaya
Na akala mo’ng puso ko’y lobong puputok na.
Ikaw ang nagpapangiti sa’kin buong araw
Ikaw ang nagpapaalis sa lahat ng aking ayaw
Ang nagpapalimot sa lahat ng sasabihin ko
Ang nagpapaalala sa magandang buwan ng Mayo.
Kung ngumingiti ka’y sobrang saya ko
Pero kung wala ka’y nag-iisa naman ako
Ang swerte naman ng babaeng kasama mo
Ano ‘to? Selos ba ko? Siguro, siguro…
Minsan-minsan lang kita nakikita
Siguro kaya ako’y nalulungkot na
Alam mo namang hindi ko rin alam
Kung bakit bagong-bago ang aking pakiramdam.
Ikaw ang nagbibigay sa’kin ng inspirasyon
Kung bakit ako’y sobrang masaya ngayon
Ang nagpapakanta sa’kin ng “Undying Admiration,”
Parang ang puso ko’y nakahanap ng ligtas na nayon.
Siguro balang-araw’y magkikita tayong muli
At pagkatapos noon ay di tayo pahuhuli
Pagkat ang alaala mo’y parang mantsa sa’kin
Sa puso ko na parehong matamis at masakit din.
Well, as for those who know me, I’m sorry if I’ve been out for so long. Lol, had to recover from a broken heart and the usual stuff (the irrational decision-making and child-raising of adults---a.k.a. my parents). Sheesh…
Reach for the stars!
--love-in-a-mist--