| Home Just In Communities Forums Beta Readers Dictionary Search | Login Register Extras |
Kung Sakali
Kung sakaling di kita nakilala
Buhay ko sana’y di kasing saya
Paningin ko sana’y din na nag-iba
Lalong-lalo na ang aking paghusga
Kung sakaling ikaw’y pinakawalan
At aking pagsinta’y di pinaalam
Malalaman ko bang ako ang laman
Ng iyong puso’t pati ang isipan?
At kung sakaling ako ay tumakbo
Sa isinisigaw nitong puso ko
Ede sana pala ako’y nandito
Sa katotohana’y isang bilanggo
Ngunit babala sa nagbabasa nito
Di ganito ang lahat ng kuwento
Sa laro ng pag-ibig, may mga bigo
Luha nila’y kanilang tinatago.
Enough with my blabbing. Again: Comments? Suggestions? Violent reactions? Hit the review button and type in.
Reach for the stars!
--love-in-a-mist--