| Home Just In Communities Forums Beta Readers Dictionary Search | Login Register Extras |
Halaga ng ating Wika
Wika na naging boses ng ating lahi
Salitang pumapangaral sa ating bawat mali
Tinig na sa ating pandinig ay nambighani
Wikang sa mundo ng Pinoy ay naghahari
Sa panahong ito ay mawala
Handa ka bang ito ay hanapin
Sa sandaling ito ay palitan
Kaya mo ba itong kalimutan
Kailangan pa ba ng makatang tula
O ng isang magandang dula
Bago natin tuluyang maalala
Ating wikang, tunay na halaga
Ilang salita man ang nagbigay ng tuwa
Ilang kwento man ang binigyang diwa
Ilang balita man ang magbigay ng salimuot
Ilang kasaganahan man ang maidulot
Halaga nito ay di man Makita
Baguhin man ang ating pananalita
Sakali man ito ay mag laho
Mananatili ito sa ating puso