Home Just In Communities Forums Beta Readers Dictionary Search Login Register Extras
Poetry » Friendship » Higit sa Kaibigan font: B s : A A A . width: full 3/4 1/2
Author: garette
Fiction Rated: T - Filipino - Romance/Drama - Reviews: 2 - Published: 09-08-05 - Updated: 09-08-05 - Complete - id:2003195

"Saya mo kasama tropa" sabi mo
tumawa, nagpaalam ka at umuwi na
hindi mo ba alam nasasaktan ako
na kaibigan lang pala turing mo

Di mo man lang tinanong damdamin ko
binalewala atensyong binigay sa iyo
ngunit laging hinhingan ng payo
sa mga babaeng nililigawan mo

akala mo ba'y di ako nasasaktan?
manhid ka ba para di maramdaman
pag-ibig ko'y higit pa sa kaibigan
bakit mo ba ako laging pinapabayaan?

ako ang taga-salo ng mga problema mo
yumayakap tuwing sa pag-ibig ay bigo
di mo nararamdaman tibok ng puso ko sayo
'tila gustong sabihin "ibigin mo din ako"

Notes: And this poem is a result of excessive boredom in my Algebra class. Reviews are so much appreciated.



Return to Top