Share/Save/Bookmark
Home Just In Communities Forums Beta Readers Dictionary Search Login Register Extras
Poetry » General » Ang Ganda ng Kalikasan font: B s : A A A . width: full 3/4 1/2
Author: distantorigin
Fiction Rated: T - Filipino - General/Poetry - Reviews: 2 - Published: 11-21-05 - Updated: 11-21-05 - id:2053323
Ang Ganda ng Kalikasan

Ang napansin mo lang

ay ang lamig ng tubig

na naglalaro sa iyong paa

at ang kulay ng mga isda

na lumalangoy sa ilalim

ang laki ng mga bato

na nalipat na ng lugar

sa lakas ng agos

at ang sarap ng hangin

na tila may mensaheng

hindi mo na pinakinggan

Ang napansin mo lang

ay ang ganda ng kalikasan

at hindi

ang kaalatan ng tubig

dahil ito ay mga luha

ang lakas ng hangin

dahil ito ay buntung hininga

ang gulo ng alon

dahil hindi mapakali

ang mga gumagalaw sa tila walang katapusang dagat.

11.21.05



© Copyright 2005 distantorigin (FictionPress ID:420345).


Return to Top