| Home Just In Communities Forums Beta Readers Dictionary Search | Login Register Extras |
Ang Aking Lakbay Patungo Sa Tagumpay
-
Ang hanging amihan na umiihip sa nayon
Ako’y itinitulak sa aking pangarap
Ang araw at tala’y binibigyang-ningning ang aking daraanan
Hanggang sa dulo ng aking paglalakbay
-
I. Heto nanaman tayo sa bagong araw
Puno ng pag-asa’t nagkikislapang pananaw
Bigyang diin ang bawat sandali
Pagkat sa bawat minuto’y pwede magbago ang lahat.
-
(Naryan na) Ang hanging amihan na umiihip sa nayon
Ako’y itinitulak sa aking pangarap
Ang araw at tala’y binibigyang-ningning ang aking daraanan
Hanggang sa dulo ng aking paglalakbay
-
II. Sa ‘ting bawat hakbang sa buhay
Minsan nakapapagod ang paghihintay
Sa pagwawagi sa mga hirap at pagsubok
May regalong ligaya na agad-agad kung lumisan
-
Bridge::: Matapilok at malunlon sa luha,
Ayos lang yan dahil mula rito ako ay titingkad
Lahat ng aking naranasan
Lahat ng aking pinaghirapan
Aabutin ko ang malayong langit
-
Ang sumisikat na araw sa silanganan
Ay nagbibigay-lakas sa akin na ituloy ang takbo
Ang mga ibong-gala ay aking mga gabay
Hanggang sa dulo ng aking paglalakbay!
-
(Naryan na) Ang hanging amihan na umiihip sa nayon
Ako’y itinitulak sa aking pangarap
Ang araw at tala’y binibigyang-ningning ang aking daraanan
Hanggang sa dulo ng aking paglalakbay!
Hanggang sa dulo ng aking paglalakbay!!!