Home Just In Communities Forums Beta Readers Dictionary Search Login Register Extras
Poetry » Love » Sumpa font: B s : A A A . width: full 3/4 1/2
Author: Replica of Psyche
Fiction Rated: T - Filipino - Poetry - Reviews: 1 - Published: 02-20-06 - Updated: 02-20-06 - id:2116739

Sumpa

(para sa taong sinaktan ako nang mahabang panahon)

Hindi kita titigilan

‘pagkat hawak ko

ang iyong isipan

at tanging ako lamang

ang may karapatan

magpabalik-balik

maglabas-masok

sa iyong kamalayan.

Ako ang iyong anino.

Susundan kita sa liwanag

palihim kong mamasdan

babantayan ang iyong kilos

habang nagkukubli

sa pusod ng kadiliman.

Hahanapin mo ako

saan ka man magpunta

at sa iyong pangungulila

mukha ko ang matatagpuan

sa bawat sulok

ng iyong mundong

pinaiikot ko

sa ibabaw ng

aking mga palad.

Wala kang magagawa.

Ang aking mga mata

ang kumunoy na hihigop

sa iyong buong pagkatao.

Mawawala ka sa’yong sarili

pangalan ko lang iyong masasambit.

Hindi maipapaliwanag

ng agham at medisina

ang iyong karamdaman.

Ako lang ang nakababatid

ng lunas sa’yong sakit,

lahat nakasalalay sa’kin.



Return to Top