Home Just In Communities Forums Beta Readers Dictionary Search Login Register Extras
Poetry » Love » Dulce Palabras font: B s : A A A . width: full 3/4 1/2
Author: Replica of Psyche
Fiction Rated: K+ - Filipino - Poetry - Reviews: 1 - Published: 02-20-06 - Updated: 02-20-06 - id:2116745

Dulce Palabras

(para sa taong bumulabog sa’king mundo)

Malayo ang nararating

ng mga katagang

hindi maisatinig.

Mula Maynila, maglalakbay

ang isipan patungong

Tagaytay, Mindoro,

Davao sa pagmumuni-muni

ng mga nais sabihin

sa kanyang itinatangi.

Mabulaklak ang mga salitang

hinabi sa iba’t ibang mga sinulid

ng pambobola at pagsisinungaling

Walang sinumang makapagsasabi

makahuhuli kung ano ang totoo

at alin ang may halong biro.

ngunit hindi lahat nalilinlang

ng sinasabi ng iyong labi

sapagkat hawak-hawak

ng iyong mga mata

ang katotohanang

puno ng tamis,

mga katagang

‘di masambit.



Return to Top