Home Just In Communities Forums Beta Readers Dictionary Search Login Register Extras
Fiction » Romance » Merienda font: B s : A A A . width: full 3/4 1/2
Author: darkquill
Fiction Rated: K+ - Filipino - Drama/Drama - Reviews: 5 - Published: 03-24-06 - Updated: 03-24-06 - Complete - id:2139105

"kanina pa kita hinihintay ha?"

"nag-aalala ka?"

"hindi... oo... syempre..."

"hahahaha"

"anong nakakatawa sa dun?"

"puta! dalian muna! dami pang satsat eh!"

"OO na!!!!"

"isang oras na akong naghihintay sa iyo ah?"

"paki ko! di ba ikaw naman nag-aya sa akin?"

"ikaw talaga..."

"ano na?"

"anong gusto mo?"

"buchi?"

"tama... hahaha... paborito natin yun."

"umorder ka na!"

"..."

"anong iniisip mo?"

"hindi ko alam. Bakit mo nga ba ako pinapunta? may problema ba?"

"Ah... wala naman..."

"Wala naman pala."

"Ganun? So hihintayin mo pa akong magkaproblema para lang pumunta ka?"

"Oo."

"Ulol!"

"Hahahahaha... Syempre hindi.. pero bakit nga ba?"

"Kasi..."

"Ano?"

"Kasi may gusto sana akong sabihin tungkol sa..."

"Sa?"

"Ano?"

"Dati."

"Ha?Paanong tungkol sa dati?"

"Ano?"

"Nung sinabi mo sa akin dati na..."

"Marami akong sinabi sa yo dati gaya ng bobo, baliw, tanga..."

"Gago! Hindi yun!"

"Ano na nga?"

"Na... walang makakasira ng pagkakaibigan natin"

"Hahahahahaha! Oo nga! Nung medyo lasing-lasing na ako sa bahay nina Trike!"

"Tama."

"Ngayon? Ano meron dun? Hindi nanga kailangang sabihin yun kasi walang makakasira sa pagkakaibigan natin."

"Kahit na ganito ako?"

"Oo, anong magagawa ko kung ganyan ka?"
"Salamat."

"Mamamatay ka na ba? Bakit ba ang drama mo"

"Gago ka talaga! Bago ako mamatay kailangan kong gawin ito"

"Pang-famas yun ha?"

"Tagal ng buchi."

"Walang makakasira sa pagkakaibigan natin di ba?"

"Wala nga eh.. gusto mo meron?"

"Natatakot kasi ako... hindi ko nga alam kung tama ito..."

"Magbago ka na! Ligawan mo na si Trisha!"

"Nagpapatawa ka yun!"

"Bakit masama ba?"

"Basta! Hindi mo naman mage-gets eh."

"Oh ano na?"

"You will always be with me di ba?"

"English yun ha?!"

"Hindi ko na kasi alam ang gagawin ko eh. Baka makatulong pero mas malaki ang possibility na makasira."

"Eh di kung ano sa tingin mo ang tama."

"Masamang magkimkim di ba?"

"Oo naman kasi lalo lang itong bibigat. Akala ko napatawad mo na si Rico."

"Hindi yun... anyway, bahala na... may ibibigay nga pala ako kaya kita pinapunta, ito oh?"

"Ito yung picture nating dalawa sa hot spring ah? Kinikilig ka pa dito kasi akap kita."

"Gusto mo kasi yan. Memorable kasi nun kasi dun ka sinagot nung ex mo."

"Weeeehhhh!"

"Tagal ng buchi!"

"Rei..."

"Oh?"

"Paano kung..."

"Oh?"

"Paano kung nagalit ka sa akin. Madali mo ba akong mapapatawad at tatanggapin ang naramdaman ko?"

"Oo.. depende kung gano kabigat. pero sa iyo syempre papatawarin kita!"

"Kasi naman."

"Ano bang nakain mo bakit ganyan ka?"

"Wala! Nahihirapan lang ako! Hindi ko na alam ang gagawin ko eh!"

"Sabihin mo na kasi!"

"Hindi mo magugustuhan."

"Kahit ano kinakain ko!"

"Puta! Magseryoso ka naman!"

"Seryoso pala eh bakit ayaw mong sabihin?!"

"Pwes Rei mahal na kita!"

"T-teka! Saan ka pupunta?! Sandali! REI!!!"

"Sir number 42? Heto na po yung Buchi na inorder niyo."

"Salamat, pakitake-out na lang yung isa... iniwan na ako ng kasama ko eh..."



Return to Top