Home Just In Communities Forums Beta Readers Dictionary Search Login Register Extras
Poetry » Love » Nasayang na Laway font: B s : A A A . width: full 3/4 1/2
Author: Haraya
Fiction Rated: K+ - Filipino - Poetry/Romance - Reviews: 6 - Published: 05-22-06 - Updated: 05-22-06 - id:2178504

Binulong ko sa kanya

ang mga salitang matagal

nang sinisigaw ng aking damdamin

pero parang di niya magawang

intindihin. Paulit-ulit ko itong sinabi

gamit ang iba’t ibang bersiyon

ng pananalita, lengguwahe

at emosyon na kaya kong

sabihin at ipakita. Nagamit

ko na ang English, German at French. Pati

Swahili at American Sign Language. Kahit ang

kaunting Nihongo na pilit itinuro

sa akin ng nanay kong Japayuki (para raw

matuwa ang kung sinumang Hapon

na iuuwi niya sa aming bahay tuwing

siya ay magbabakasyon) ay wala pa ring

epekto. Tinitigan ko siya at pilit na

binasa ang kanyang mga mata. Bwisit.

Saka ko naisip ang kahihiyan at kagaguhan

na aking pinasok. Pati na rin ang

laway na nasayang ko. Paano

ka nga naman maririnig

ng dalawang tenga kung

puso naman ang sarado?



Return to Top