Home Just In Communities Forums Beta Readers Dictionary Search Login Register Extras
Poetry » Love » Pagmumunimuni ng Isang Lasing font: B s : A A A . width: full 3/4 1/2
Author: Replica of Psyche
Fiction Rated: T - Filipino - Poetry/Romance - Reviews: 1 - Published: 07-12-06 - Updated: 07-12-06 - id:2210164

Pagmumuni-muni ng Isang Lasing

Hindi kita kayang ipinta

at hindi rin kita kayang

ilarawan sa isang tula

Sapagkat tulad mo ang regalo

na hindi pa nabubuksan

mahirap hulaan kung ano

ang iyong nilalaman

Tanging ang hugis ng kahon

at ang pulang laso

lamang ang tanging

magbibigay-liwanag

sa mapaglarong isipan.

Hawak nga kita

ngunit ika’y hindi ko pag-aari

Ang iyong kalayaan ay hindi

maaaring angkinin

Dahil ayokong ika’y mabilanggo

sa piitan ng aking puso

kung hindi mo naman nanaisin

na ikaw ay maging akin.



Return to Top