| Home Just In Communities Forums Beta Readers Dictionary Search | Login Register Extras |
October Fest
Mga ilaw, usok, tugtog
Beer, pitsel, at baso
Mesa, upuan at ako.
Lahat tila magkakaugnay
Isang tagpong masaya at makulay
Para bang perpektong larawan,
nagkukubli ng katotohanan.
Isinalang ang lumang awitin
Nagbadya ang ihip ng hangin
Walang nakapansin sa mga pagbabago
Lahat abala sa paninigarilyo at pag-inom
Ngunit parang tumigil ang ikot ng mundo
Dahil sa di-inaasahang pagdating ninyo.
Napunit ang mga ulap
at bumagsak ang ulan.
Mga tao’y mabilis na nag-alisan.
Tumakbo sa mga masisilungan.
Gaya nila, sumilong kayong magkayakap
Nagdilim ang buong paligid
Naglaho kayo sa’king paningin
Nanatili ako sa’king inuupuan
habang dinadamayan
ang kalangitan sa pagluha.
-10/16/06