| Home Just In Communities Forums Beta Readers Dictionary Search | Login Register Extras |
Ang halinghing
ng mga titik...
Nanghihimok.
Mapagpilit.
Lalansagin ang katinuan
sa bawat halik.
Unti-unti,
sila'y nag-iinit.
Ibabalot ka sa yakap
at babalabalan ng pawis.
Yayanagin ang iyong diwa
at ika'y aangkinin.
Tatakpan ang iyong mga mata.
Igagapos ang iyong mga bisig.
Unti-unti,
ika'y mag-iinit.