Home Just In Communities Forums Beta Readers Dictionary Search Login Register Extras
Poetry » Love » Para sa Dapitan! font: B s : A A A . width: full 3/4 1/2
Author: darkquill
Fiction Rated: K - Filipino - Romance - Published: 01-31-07 - Updated: 01-31-07 - Complete - id:2313320

Isang dapithapon sa Dapitan
Naghihintay, para ako'y masakay
Nasaan na kaya ang mga busina?
Sino kaya ang papara,
sa pusong umaasa?
Sino kaya ang titigil,
sa mundong hindi nagpapapigil?
Bakit lagi na lang akong naghihintay?
Sa Dapitan, na nawala ang mga jeep na magsasakay?

Para! Nasaan na ang tadhana?
Bakit hindi hayaang masakay,
ang puso kong laging naghihintay?
Para! Ako sana'y makaalis na...
Dito sa Dapitan,
kung saan ang pag-ibig hindi yata dumadaan..
Para...

Pamasahe ko'y kulang ng piso
Sana'y may mag-abono..
Sandali manong! Siyaman nga lang...
Ako sana'y makaupo
Ako na lang kaya magmaneho?
Baka sakaling tadhana'y magbago...
Bumibilis,bumabagal, nauuntog sa biglang pagpreno!

Para! Nasaan na ang tadhana?
Bakit hindi hayaang masakay,
ang puso kong laging naghihintay?
Para! Ako sana'y makaalis na...
Dito sa Dapitan,
kung saan ang pag-ibig hindi yata dumadaan..
Para...

Sa Dapitan, sa wakas nakasakay!
Kay tagal nahimpil sa kalyeng wala nang kulay
Akala'y ruta ng mga jeepney ay nagbago..
Ako'y nagulat nang binalik ni manong ang baryang bayad...
Maling jeep pala ang aking nasakyan..
Akala'y iisa ang aming daan...
Destinasyon pala nami'y hindi laan..

Para! Nasaan na ang tadhana?
Bakit hindi hayaang makasakay,
ang puso kong nabigo sa paghihintay?
Para! Ako sana'y makaalis na
Dito sa Dapitan, kung saan ang puso'y
minsan nang nasaktan.. para...

Para na... ako'y babalik sa Dapitan...
Baka tamang jeep ay matiyempuhan...
Doon sa Dapitan... ang pag-ibig ay nagtatago lang sa daan...
Doon sa Dapitan... ako'y papara
Hanggang sa ika'y makasama..
Sa biyaheng uukit sa ala-ala...



Return to Top