| Home Just In Communities Forums Beta Readers Dictionary Search | Login Register Extras |
tulala at walang kibo
ang tanging nais ay ang makita
at masilayan ka
nangungulila
nalulumbay
nanghihina
nasaan ka na ba?
ika'y hinahanap,
inaabangan,
pinapangarap
ang iyong pagdaan...
ayoko na sanang magtagpo
nais kong umiwas
umiwas sa damdaming walang patutunguhan
ngunit bakit ganito?
sa pagdaan mo...
tuloy parin ang pagsulyap ko...