wala na... nawala na ng bigla. hindi ko rin alam kung paano. ngunit may mga bagay at pagkakataon na kung saan ay tumatama ito at sadyang ipinapaalala na hindi dapat at lalo na, na walang pag-asa. ngunit ngayon ay tila hindi na mahalaga pa ang mga bagay na iyon sa pagkat aking napagtanto na ito'y kusang naglaho. siguro nga ay mas mabuti ang ganito. tila wala ng bumabagabag sa aking isipan. ang damdaming dati'y paikot-ikot, ngayo'y bigla na lang akong nilisan. marahil akin na ngang natanggap ang pagkabigo at nagsawa na sa walang humpay na pagkakahimlay. ngunit kung sa kaling sa kinabukasan ika'y lumihis at magtungo sa aking landas... asahang ika'y aking aangkinin.