Home Just In Communities Forums Beta Readers Dictionary Search Login Register Extras
Poetry » Love » huling araw sa unang araw ng linggo font: B s : A A A . width: full 3/4 1/2
Author: masaya
Fiction Rated: K - Filipino - Romance/Poetry - Published: 05-30-07 - Updated: 05-30-07 - id:2368815
hindi ko alam kung papaano sisimulan. marahil sa sobrang dami ng gustong sabihin, iparamdam ay hindi na alam kung papaano at kung dapat pang aminin ang lahat ng ito. hindi magkamayaw ang mga salita at emosyong wari'y nag-uunahang mamutawi sa aking labi. nagsisimula nang mamuo ang tensyon at kaba sa aking dibdib sa mga nalalabing oras at minuto na tila ba mabilis na nagdaraan. naririnig ang iyong boses... at napapaisip. tila ba bumubulong ang hangin at sinasabing ako'y nauubusan na ng panahon upang ika'y makasama at masabi ang aking nadarama. ako'y nangangamba na sa pagsapit ng dapit hapon ay hindi ka na makita pa sa mga susunod na araw...buwan...at mga taon. nanghihinayang sa bawat araw at pagkakataong ikaw sana'y aking makilala pa ng lubos. ngunit ipagpatawad mo, sadya yata ako'y naduduwag, natutuliro sa tuwing ika'y nandiriyan. nais ko sanang sabihing salamat. maraming salamat dahil ako'y iyong ginising sa matagal na pagkakahimlay. ang mga sandaling hindi mo man maaalala ngunit sa aking isipa'y mananatiling nakatatak at itatago habang buhay. pasensya na. maraming salamat.


Return to Top