| Home Just In Communities Forums Beta Readers Dictionary Search | Login Register Extras |
Mula sa bawat humihibing
Sanggol at sabay-sabay pinakawalan
Sa isang sandaling
Sabik ang Lupa na makaramdam
Ng kalinga at yakap na
Magsisilbing buhay sa
Mga punlang nahihimbing
Sa kanyang sinapupunan.
Nakarinig na ako
Ng kundiman ng mga Puno -
Ang matamis na pagharana
Ng lawiswis ng mga dahon na
Tulad sa isang korong sumasabay
Sa dapyo ng Hangin habang mabining
Umiindayog ang mga sanga
Sa saliw ng mapayapang musika.
…
…
…
Pagsapit ng umaga
Maiiwan sa dilim si Anitun Tabu
Na may buhay lamang sa
Mga alamat at kwento
Ng mga aklat ng nakaraan,
Mga mapangaraping panaginip
At imahinasyon ng kasalukuyan.
Ako'y muling mahihimbing
Upang minsan pa'y makita
Ang Ulan, Lupa, Puno, Hangin
At maari, sa unang pagkakataon,
Ang Ilog rin.