| Home Just In Communities Forums Beta Readers Dictionary Search | Login Register Extras |
Mahapdi
ang balat kong
Pinilit
hilawin ng mga
Makabagong
pananaw na
Bumibitay
sa sinumang
Maihahalintulad
sa kape.
O
tsokolate.
Matigas
at ga-buko
Ang
suso kong
Tinurukan
ng siyensiya
Upang
paglawayan at
Pagpantasyahan
ng kung
Sinu-sinong
kalalakihan.
Wala
ng bakas
Ng
pagkapisat ang
Ilong
kong ilang
Ulit
na hinulma kahit na
Wala
na halos matira.
At
hindi na ako makahinga.
Hindi
na maimpis
Ang
bago kong labi na
Makapal
na at maumbok.
Di
mo nga lang malalaman
Kung
ako'y nakangiti
O
naghihimutok.
Pinahigop
ko na
Ang
lahat ng laman
At
taba sa katawan
Kong
malapit nang mabali
Dahil
walang nagmamahal
Sa
taong meron kang mapipisil.
Ang
bagal ng teknolohiya
Dahil
matagal na akong
Naghihintay
kung kailan
Pwedeng
palitan ang
Aking
utak. Para naman
Bumagay
sa bago kong katawan.