| Home Just In Communities Forums Beta Readers Dictionary Search | Login Register Extras |
Pangalan
Isinulat ko ang iyong pangalan sa buhangin
tumingin ako sa langit at sinabi sa sarili
Ang buhay ay ganyan pag nagmamahal
itatanggi ang lahat makita lng ang ngiti
sa iyong mga mata
Ang pagbaba ng araw ang magdadala
sa akin sa iyong mga kamay
At hahayaan ko na ang alon ang magbura
ng iyong pangalan
Ibabalik ko na lang bukas
Sa paglipas ng oras, di ko namamalayan
ang paglapit ng paalam
Ngayon alam ko na na hindi lahat ng bagay
ay magtatagal sayo
Sa susunod na hahawak sa lupa
at susulat ng pangalan
Di ko na pipigilan ang alon sa pagbura
Hahayaan kong matabunan na
Ang iyong pangalan
Di ko na ibabalik bukas
Pababayaan kong matabunan
Ang iyong pangalan
-----
(English)
Name
I wrote your name on the sand
And I looked up at the skies and told myself
This is how life is in love
Denying everything, just for a smile
In your eyes
The sunset will
take me to your arms
I will let the waves erase your name
And write it again tomorrow
Time passed, I didn't notice goodbye
Now I know everything has an end
The next time I will touch the sand
and write your name
I will let the waves erase
And I will let it be erased
Tomorrow, I won't write your name
I will let the waves erase your name
-----
c.10.18.2004