Home Just In Communities Forums Beta Readers Dictionary Search Login Register Extras
Poetry » Life » Duyan font: B s : A A A . width: full 3/4 1/2
Author: Haraya
Fiction Rated: K - Filipino - Poetry - Reviews: 1 - Published: 03-10-08 - Updated: 03-10-08 - Complete - id:2486899
natanaw ko ang isang
nasusunog na pastulan
kung saan nagtatagisan
ang mga multo ng
nakaraan at halimaw

ng kasalukuyan
doon ko siya nakitang
tumatakbo sa batuhan -
pinabayaang duguan ang maliliit
niyang talampakan at

iniwan ang kanyang duyang
ngayon ay unti-unting
ipinauubaya sa malamyos na
apoy ang kanyang katawan
at natitirang katinuan

upang malimot ang
pangako ng hangin na
pananatilihing puro ang
bawat panaginip ng mga
nahihimbing na supling

may maiksing kwentong
nakasulat sa kanyang
mga luha na hindi na
mababasa pagkabagsak
nito sa lupa kung saan

nakaupo siya sa duyan
sa isang mapayapang
pastulan - ang paborito niyang
bakya ay nakahaway
sa kanyang paanan

at umiihip ang hangin sa
kanyang buhok at mumunting
katawan. mula sinapupunan -
diretso sa digmaan,
ito ang pipigilan kong
kalakaran



Return to Top