Home Just In Communities Forums Beta Readers Dictionary Search Login Register Extras
Fiction » Romance » Pusong Lito font: B s : A A A . width: full 3/4 1/2
Author: animatedbeauty
Fiction Rated: K+ - Filipino - Adventure/Drama - Reviews: 7 - Published: 03-30-08 - Updated: 06-04-08 - id:2497254


Chapter 2

'Ang Kabayaran'


Pagkatapos naming mag-lunch ay ipinagpatuloy ko na ang aking pagki-kwento. Alam kog marami pang dapat malaman si tita tungkol sa akin at sa aking karanasan. Gusto kong ibigay sa kanya ang lahat ng detalye at wala akong planong maglihim sa kanya dahil naniniwala akong si tita lang talaga ang makakatulong sa akin.


Heto na naman tita, ipagpatuloy na natin ang ating kwentuhan. Makalawang ulit ko ring natagpuan si sir Raymond sa ganong pong posisyon, patuloy siyang nag-aabang sa harap ng Unibersidad habang naghihintay kay Russell, nag-uusap rin sila pero saglit lang. Kahit magkagayon, alam ko naging masaya rin si sir Raymond sa nangyaring pag-uusap nila. Matapos kong makita ang mag-pinsan ay napagpasyahan ko nang umuwi sa halip na manatili pa duon sa sulok na kinatatayuan ko pero nang mapadaan ako sa park ay naingganyo akong maupo muna sa may bench. Ilang sandali ay may nararamdaman akong umupo sa tabi ko, isang matanda; nakaka-awa itong tingnan sa suot na gusgusing damit na mapagkamalan mong basahan. Bigla siyang kumalabit sa akin at dahan-dahang ibinuka ang kanang palad, nagsimula itong magbigkas ng mga salita pero hindi ko nalang hinayaang tapusin niya ang kanyang sasabihin, ipinaloob ko ang mga daliri ko sa bulsa para kumuha ng ilang halaga para ibigay sana sa matanda pero napag-isipan ko na bibilhan ko nalang siya ng makakain. Hinayaan lamang niya ako sa aking ginawa at sabik siya nang makita akong may dala ng makakain sa aking pagbabalik- binilhan ko siya ng barbecue at kaning nakabalot sa dahon. Sinamahan ko rin siya ng maiinom, madali niyang naubos ang ibinigay ko sa kanya at wala siyang pakundangang nagpasalamat sa akin, dalawang araw na raw siyang hindi kumakain at panay inom nalang daw ng tubig ang kanyang ginagawa para may laman lamang ang kanyang tiyan. Masaya ako habang tinitingnan ang mukha ng matanda, hidi ko lubos maisip na sa kaunting pagkaing iyon ay nakapagdudulot na ako ng kaligayahan sa isang tao. Masaya ako habang nilalandas and daan patungo sa dorm namin. Papasok na sana ako ng gate nang mapagsino ko ang lalaking nakaupo sa garden chair sa may katapat na dorm – si Russell iyon – nakayuko ito ngunit nararamdaman nito ang aking pagdating kaya nagtaas ito ng paningin.

For the first time tita, ngumiti siya sa akin ang nakakalungkot lang ang ngiting iyon ay hindi umabot sa kanyang mga mata. Malungkot ang kanyang mga mata tita, nakaka-awa pero nang maalala ko si sir Raymond ay napagtanto ko na hindi siya dapat kaawaan. Tumalikod na sana ako para pumanhik ng dorm ngunit kaagad akong napalingon nang magsalita siya- mahina lang iyon ngunit dinig na dinig ko ang bawat salitang kanyang binanggit- ‘hindi mo pa ako nabayaran’. Nagpanting ang aking taenga sa nadinig. Biro mo sinabi niya sa akin iyon, tita! Kulang paba yong pag-gamot ko sa mukha niya? O, baka kulang pa yong pagsampal ko sa kanya? Gusto ba niyang sampalin ko uli siya sa kanang pisngi para matabla naman? Pinanlisikan ko siya ng mga mata. Anong gusto niyang gawin ko, bigyan siya ng isang milyon? Tinalikuran ko nalang siya para pumanhik na sa loob ng dorm, ayaw ko kasi masira ang maganda kong mood baka hindi pa ako makatulog. Pero napagtanto ko na kanina pa pala niya ito sinira, nakakainis!

Pagkalabas ko kinabukasan ng dorm tita ay laking gulat ko nalang dahil nakita ko siyang naka-upo sa garden chair pero hindi sa dorm sa kabila kundi sa dorm namin. Lalapitan ko sana siya para tanungin kung bakit siya nandito dahil alam naman natin na girls’ dorm ito ngunit nabigla ako dahil nakita kong nilapitan siya ni Melba. Napansin nila ang aking presensya kaya hinarap nila ako. Biro mo tita hindi man lang nagsabi si Melba na matagal na pala niya itong kaibigan? Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko na animo’y parang pinagtaksilan ako tita. Nagagalit ako sa sarili ko, bakit ganito nalang ang aking reaksyon nang makita kong masaya silang nag-uusap na parang matagal ng magkakakilala?

Magkasabay naming tinungo ang unibersidad pero parang hindi nila napuna ang aking presensya, kaya nagpasiuna nalang ako sa paglakad. Mabilis kong nilandas and daan hanggang sa nakapasok na ako sa loob ng campus.

Kinagabihan niyon tita, kinausap ko si Melba, alam mo naman hindi ako gaano ka tsimosa gusto ko lang naman malaman kung kailan sila naging magkaibigan at bakit hindi ko alam. Sinabi rin niya sa akin na mabait daw si Russell kaya naging kaibigan niya ito, laking pasalamat daw niya sa lalaki dahil para daw itong isang anghel na hulog ng langit. Ang nangyari kasi ay bigla nalang umulan na hindi niya inaasahan, hindi pa naman daw siya nakadala ng payong, at wala siyang maisipang gawin kundi ang lakarin nalang ang daan kahit umuulan total malapit rin naman ang dorm pero kaagad nalang may lumapit at pinayungan siya, pagtaas daw niya ng paningin ay laking gulat niya nang si Russell ang nakita niya. Hangang-hanga daw siya kay Russell dahil sa kabaitan nito.

Masaya ako dahil wala naman pala akong dapat alalahanin sa pagiging magkaibigan nila, ang sa akin lang ay ayaw kong masaktan ang kaibigan ko. Isa pa may karelasyon na si Russell. Pero tita, napawi ang saya ko sa mukha ng marinig sa labi ni Melba na nilibrehan daw niya si Russell ng Lunch. Naitanong ko kaagad kung naniningil ba si Russell sa naitulong niya ngunit nginitian lang ako ni Melba; sinabi niya na siya daw talaga ang nag-insist na ilibre si Russell. Sa narinig ko ay nakahinga ako ng maluwag, mabuti nalang at di nangyari ang inaakala ko.

Maraming beses ko rin silang napansing magkasama at masiyang nag-uusap; alam kong palakaibigan si Melba at makwento rin, ang ikinatatakot ko lang ay kung makwento niya tita ang ginawa naming panghihimasok sa kanilang personal na buhay.

Hindi ko inaasahan ang pagdating ng araw ng paniningil ni Russell, tita. Nabigla talaga ako at halos di makapaniwala sa sinabi niya. Ewan ko tita kung dapat ko ba itong ikatuwa o lalaong ikakagalit. Alam ko tita na malilito ka sa kanya kung malaman mo ito. Sinabi niya tita na gusta raw niyang maningil sa utang ko, ang sagot ko ay hindi ako makakabayad dahil sa susunod pa na lingo ko matatanggap ang allowance ko, hiniling ko rin na sa susunod na linggo nalang talaga.

Hindi pera ang kailangan ko’ ang sabi pa niya tita. Naku! Kung hindi pera ang kailangan niya tita, bakit pa niya ako sinisingil? Maliban nalang kung katawan ko ang gusto niya. Naku! Magkamatayan kami niyan. Di pwede yon ano? Kahit gaano pa siya ka gwapo, eh masama naman ang ugali hindi ko parin siya kailanman magugustuhan. Sana kung katulad lang siya ni sir Raymond, kung magkagayon, may tsansa pa siguro siya.

Pasensya tita, bigla ko kasing naisip si sir Raymond, e. Ewan ko kung saan na s’ya ngayon, ano na kayang ginagawa niya?

Balik na tayo kay Russell tita, mas lalo na akong lumalayo sa nais kong tumbukin. Nagsimula siyang magsalita at napatuon ang pansin ko sa kanya nang sabihin niyang para makabayad ako ay dapat kong magpanggap bilang nobya niya. Biro mo tita, inaalok ng lalaking iyon ang pamangkin mo na magpanggap bilang nobya niya! Kung ikaw ang tatanungin tita, papayag ka ba?

Ang sagot ko sa kanya ay hindi ako papayag! Mas mabuti pang sampalin nalang niya ako sa magkabilang pisngi para pambayad sa utang ko kaysa sa magpanggap akong nobya niya.

Gush! Hindi ako makapaniwala tita, ang sama niya Huhu… Nakita ko talaga sa mga mata niya ang kulay ng kasamaan. Nagtaas siya ng kamay at aksyong sasampalin ako. Tita, napatili ako sa takot kaya nagbaba siya ng kamay. Sa paraan niyang iyon ay napapayag niya ako na magpanggap at wala na akong nagawa.

Sa mga panahong iyon tita ay animoy naging masalimuot sng aking kapalaran. Nagsisisi ako kung bakit pa ako naghihimasok sa buhay ng may buhay pero naalala ko na hindi pa pala batid ni Russell na may alam ako tungkol sa buhay ng mga Abalones maliban nalang kung nag-iingay si Melba. Naidaing ko nalang titan na sana hindi.

Natanong ko ‘kung bakit ako pa’ nang magkita kami ni Russell kinabukasan. Nandiyan naman si Melba na pwede niyang alukin para magpanggap. Naku, sigurado akong walang-duda papayag iyon! Ngunit hindi niya ako sinagot,sa halip ay tumitig siya sa akin. Naaalala ko ang mga titig na iyon. Isang uri ng titig na nakakapagpawi na ng aking pag-aalinlangan minsan. Isang titig na nagbibigay sa akin ng assurance na safe ako pag kasama ko siya.

Nahihiwagaan na ako sa aking sarili, naniniwala akong galit ako kay Russell, pero bakit parang hindi ko na mahagilap ang damdaming iyon? Isinama niya ako sa isang party at doon na namin sinimulan ang aming pagpapanggap. May selebrasyon kasi sila dahil na- promote si Russell bilang manager sa Design Department ng Gringgodel Motors. Maayos kong nagampanan ang aking tungkulin, marami rin akong nakilala at nakahalubilo. Nagpasalamat ako dahil naging maayos ang lahat at isa pa nag-enjoy talaga ako. Alam mo tita, hindi talaga ako pinabayaan ni Russell, ni minsan ay hindi niya ako iniwan ng matagal-- pag aalis siya ay kung kukuha lamang siya ng makakain o maiinom. Napangiti rin ako ng palihim, kahit devil pala ay may angel side rin. Pasensya kung devil and term ko, ganon naman talaga ang alam kong term lalo na pag naaalala ko ang mga mata niyang nakikitaan ko ng kulay ng kasamaan. Pero tita, natutuwa talaga ako dahil naging gentle siya sa pakikitungo sa akin, sana hindi iyon plastic, yon talaga ang naidaing ko.

Tita, may isang pangyayari rin akong hindi makakalimutan noon habang nasa party pa kami. May isang lalaki kasing lumapit sa akin at nagpakilala, batid kung may crush iyon sa akin- alam mo naman tita na may maipagmamalaki rin naman itong pamangkin mo- hindi lang sa pagiging pakialamera at pagiging tsismosa ko kundi maging sa mukhang ito tita na walang sinumang makaka- kopya. Kasi orig eh! Kung nandoon ka lang tita, sigurado akong matatawa ka sa reaksyon ni Russell, alam ko at batid kong ayaw niya talagang may lumalapit sa akin at nagpapakita ng interest. Kung pwede sigurong maglagay siya ng harang ay ginawa na niya iyon para wala lamang makalapit sa akin na lalaki. Naku tita, napagtanto ko na siloso pala itong mokong na ito. Alam mo naman tita, ang beauty kong to, ayaw ng mga seloso. Simple lang naman ang gusto ko- isang lalaking may tiwala at marunong umintindi.

Maaga natapos ang party tita, siguro 10 pm iyon. Palabas na kami nang bigla nalang niya akong hinawakan sa braso, napahinto ako sa paglakad. Nahihiya ako nang mapatingin ako sa mga mata niya. Unti-unti niyang ibinaba ang kanyang mukha Tita, napuno ng kaba ang aking dibdib. Para akong napasailalim sa isang mahika. Hindi ko alam ang aking gagawin kaya napapikit nalang ako sa gitna ng naghahalong damdaming aking nararamdaman.

Tita, alam mo ba, nahihiya ako para sa sarili ko. Galit rin ako kung bakit ko pa naisipang pumikit sa mga panahong iyon, ni hindi naman pala niya ako hahalikan… Akala ko talaga tita na iyon ang gagawin niya. Nanginit ang aking mga pisngi at alam ko na sa mga oras na iyon ay namumula na ito. Nang marinig ko ang bulong ni Russell ang ganda mo ngayong gabi. Kaya nga hindi ko sila hinayaang lapitan ka baka maagaw ka pa sa akin, mas lalo akong pinamulahan ng pisngi. Kinilig ako sa sinabi niya. Mabuti nalang at hindi ako napapikit uli dahil parang mababaliw na talaga ako sa mga sandaling iyon. Dala-dala ko talaga ang isiping iyon hanggang sa aking pagtulog.


animatedbeauty: Phew! Thanks God, natapos ko rin ang chapter na ito, sana nag-enjoy kayo sa aking inihandog.

Maraming salamat sa mga nag-review... AngelDaisy111787 at Marginal Love, inihahandog ko ang chapter na ito sa inyo, kayo kasi ang nag- ispire na ipagpatuloy ko ang pagsulat nito.

Know what, hindi ko talaga akalain na may mag-re-review sa 'pusong lito'. Tagalog kasi! Sana ipagpatuloy n'yo pa ang pag re-review. Kung may mga suggestions kayo at comments, pwede nyo ring idaan iyon sa reviews.



© Copyright 2008 animatedbeauty (FictionPress ID:568382).


Return to Top