Home Just In Communities Forums Beta Readers Dictionary Search Login Register Extras
Fiction » General » Ako si Chico font: B s : A A A . width: full 3/4 1/2
Author: masaya
Fiction Rated: K - Filipino - General/Romance - Published: 10-15-08 - Updated: 10-15-08 - id:2584229

"Ay, pootah!" yan na naman ang lumabas sa bibig ko. Araw-araw, pag may narinig kang nagmumura, malamang, ako un... pero ngayon, syempre, may dahilan naman ang pagmumura ko. Nasabi ko yun kasi brown out na naman sa building namin. (oo... tama ang pagkakabasa mo... NANAMAN!) at syempre, kailangan pa ring pumasok, kaya eto, umaakyat kami ng mga tropa ko gamit ang stairs... Sapilitan lang ang paggamit ng stairs kapag ikaw ay isang estudyante sa building na ito. At san ka pa? Sa 8th floor pa ang classroom namin! PAKSYET talaga! At malamang, pagdating ko sa room eh mukha na akong...

"BANGAG!" banat ni Poks, ang katropa kong ang tunay na pangalan ay di ko na maalala... Seryoso! At mahaba rin ang dahilan kung bakit namin sya tinawag na Poks. Pero sa kabilang banda, alam ko naman na sa gilid ng utak mo eh naiisip mo na tinamad lang akong magkwento. "Bangag ang tamang description dun kay Rob. Yung pogi sana na higher year satin."

Ah oo... si Roberto. Yung mukhang angas pero hindi naman. Basta pag nakita mo sya, alam mo na agad na si Roberto un... Ttang ina! eh Berto naman dapat nickname nun! Gusto lang maging cool... Malamang nag change lang ng image pagtungtong ng college. Tama na nga ang tungkol sa kanya dahil di naman sya mahalaga sa kwentong ito. Mabuti na lang at may napag-usapan ang tropa kaya di ko na masyadong namalayan na nasa 8th floor na kami. Pero damang dama na naman ng katawan ko ang pagod. Tumutulo na ang pawis ko... totoo... Parang nag commute ako papasok at pabalik ng magkasunod. Pati amoy ko, iba na... Badtrip! Pet peeve ko pa naman 'to! Hindi dahil sa vain ako! ayoko lang talagang magmukhang wasted... lalo na sa umaga...

Unti-unti nang nagsulputan ang mga blockmates ko. Langya!... parang kakatapos lang ng P.E. ang ambiance sa room... Maya-maya pa, nagkakuryente na!! Sa wakas! Sabay unti-unti nang lumamig... Masama 'to, matutuyuan ako ng pawis pero... Pero ayos na rin basta di mainit... hehehe...

Dumating na ang prof kasama ang model namin para sa araw na ito... Dahil drawing subject kami ngayon... At nagsimula na ang klase kasi wala nang ibang dapat gawin kundi ang magklase di'ba?... Ah nakalimutan ko nga palang sabihin na isa akong fine arts student...



Return to Top