Fiction » Romance »

Si Maya at si Prinsipe Dagat
Author:
Robin Leigh PM
This is a Filipino story I wrote years ago. R&R?
Rated: Fiction K - Filipino - Romance - Words: 674 - Reviews: 2 - Published: 04-21-10 - Status: Complete - id: 2799011
A+  A-   Full 3/4 1/2 Expand Tighten

A/N: This is a Filipino/Tagalog story I wrote years ago. R&R?

Noong unang panahon sa mga kapatagan ng Katagalugan ay may isang makapangyarihang datu na ang pangalan ay Datu Malaya. Siya ang pinakamayaman at makisig na tagapamuno sa rehiyon na iyon. Ang pangalan ng kanyang asawa ay Dayang Maganda. Silay's may isang anak na nagngangalang Bituin.

Si Prinsesa Bituin ang pinakamagandang dalaga sa Katagalugan, at mayroon din siyag busilak na puso. Kaya't marami siyang naging kaibigan. Ang pinkamatalik niyang kaibigan, si Maya, ang anak ng tagapayo ng hari. Ngnit hindi siya singganda ni Bituin, at kahit mas matalino siya ay ramdam niya na hindi siya magkakaasawa balang araw.

Noong sila'y nasa sapat na gulang para mag-asawa, marami ang naging manliligaw ni Bituin.

Sa kanilang lugar ay dapat magsilbi ang lalaki sa bahay ng kanyang liniligawan. Kaya't maraming binata ang pumupunta sa palasyo ni Datu Malaya.

Sina Bituin at Maya ay madalas na nagkikita sa hardin ng palasyo. Mula doonn ay pinagmamasdan nila ang pagtratrabaho ng mga manliligaw ni Bituin. Wala kasing gaanong lalaki ang nakapaapnsin kay Maya, kaya doon siya nagapaplipas-oras. Noon kasi ay mas pinahahalagahan ang kagandahan kaysa sa katalinuhan. Si Maya ay napakaprotektibo sa kanyang kaibigan. Minsa'y ang isang batang nagngangalang Matapang ay tumigil sa trabaho at kinausap si Bituin. Pinilit niya ang sarili niya kay Bituin kaya't inaway siya ni Maya at siya'y tumgil. Tumigil siya sa paninilbihan at bumalik sa kanyang probinsya, ngunit hindi ito ikinagalit ng datu dahil hindi niya rin gusto si Matapang.

Ayaw ni Bituin sa kanyang mga manliligaw. Wala ring makitang karapat-d kanyang kaibigan si Maya. Ngunit nagkakilala si Maya at si Prinsipe Dagat. Sila'y naging matalik na magkaibigan ngunit hindi nila kasama ang prinsesa tuwing magkasama sila. Masyado kasing abala si Bituin sa kanyang mga leksyon sa pagiging prinsesang mamumuno sa barangay balang araw. Madalas ay pinag-uusapan ni Dagat at ni Maya ang palasyo ni Bituin at ang pamayanang nakapaligid dito, ang palasyo ni Prinsipe Dagat sa gilid ng pulo, si Bituin, at marami pang mga bagay. Hindi nagtagal at madalas silang nagkikita sa ilalim ng puno ng mangga, at maraming nagtutukso sa kanila. Wika ng nanay ni Maya "Baka naman inaakit mo si Prinsipe Dagat, ha?" "Hindi po, Inay! Magkaibigan lang po kami" sabi ni Maya.

Pagkalipas ng isang taon ay napansin ng lahat na tila si Maya ang nililigawan ng Prinsipe. Si Prinsipe Dagat ay hindi ang pinakamakisig at may hitsurang prinsipe, ngunit siya ay prinisipeng may mabuting kalooban, at nakita niya rin ang mabuting puso ni Maya. Tuwing Tuwing tinutukso si Maya ay ipinaglalaban niya ito. Kaya't napaibig si Maya sa kanya. Ngunit hindi maaaring isang prinsipeng naliligaw sa isang prinsesa ang kanyang mahalin!

Talagang nalungkot si Maya ng maintindihan niya na iyon na ang tibok ng kanyang puso. Linayuan niya si Dagat at sinikap na maging masaya sa harap ng kanyang pamilya't mga kaibigan. Ngunit sa loob-looban niya ay mahal niya na ang prinsipe.

Isang gabi, ang kanyang tatay ay umuwi at sinabi na tumigil na sa paninilbihan si Prinsipe Dagat at babalik na sa kanyang probinsya ngayong gabi rin. Kahit hindi pa siya nakakakain ng hapunan ay tumakbo paalis ng kanyang bahay si Maya. Hinanap niya si Prinsipe Dagat, at nang makita niya ito ay ay hinabol niya ito at tinawag. Lumingon ang prinsipe at nakita si maya na palapit sa kanya. sinalubong niya ito at yinakap. ngunit nagduda si Maya sa pagmamahal ng Prinsipe. "Karapat-dapat ba talaga ako sa pagmamahal ng isang nanligaw sa prinsesa?" Sabi ni Dagat "Ikaw ang prinsesa ng aking buhay, Maya.. Alam mo iyan. Ikaw lamang ang nakakita sa akin bilang isang tao. Hindi prinsipe, hindi manliligaw ni Bituin, kundi tao. Napaibig mo ako."

"Salamat at nakita mo rin ako" tugon ni Maya

Ikinasal ang dalawa ng babaylan sa barangay nina Maya. pagkatapos ay tumira sila sa palasyo ni Prinsipe Dagat at minsa'y dumadalaw si Prinsesa Bituin at ang kanyang napiling asawa--si Don Jose.

Favorite : Story Author   Follow : Story Author

  .    .