
Sino nga ba ang manhid? ang taong di nakakaintindi na mahal mo siya? o ang taong di nakakaintindi na di siya mahal ng mahal niya? WARNING: TAGALOG content
Rated: Fiction T - Filipino - Romance/Friendship - Chapters: 6 - Words: 5,233 - Reviews: 11 - Favs: 2 - Follows: 3 - Updated: 09-03-11 - Published: 07-16-11 - id: 2933510
|
|
A+ A- |
"Susmaryosep Trish, bakit basang basa ka at ngayon ka lang umuwi?"
"andiyan na ba sina mama at papa, nana?"
"wala pa, tumaas ka na at magpalit, ipaghahanda kita ng pagkain"
"wag na nana, di naman ako gutom eh, matutulog na lang po ako"
"ikaw na bata ka" Di ko na narinig yung mga huling sinabi niya, tumaas na ako. Kahit na mabait yung matanda, minsan sesermonan at sesermonan talaga niya ako.
Eto ang aking buhay, lumaki sa malaking bahay, pero sino nga ba ang kasama ko? Tanging si Nana Maria lang. Lageng wala parents ko, busy kasi, lage na lang.
Only child na lang ako, pero di naman ako nag-iisa nuon eh. Tatlo talaga kame, pero sa kasawiang palad, namatay yung panganay at yung kasunod niya. Namatay sila sa isang plane crash nung sampung taon pa lang ako.
Papuntang Singapore sila nun, susundan sana nila yung parents namin, ako? Naiwan nanaman kay Nana Maria kasi may klase raw ako. Pero sa puso't diwa, ang iniisip kong dahilan kaya di nila ako sinasama ay dahil di nila ako mahal. Puros sina ate lang. Nang mamatay sila, mas lalong naging malayo yung loob nila sa akin.
Ang ampalaya ko!
Nakapagpalit na ako't lahat, di ko pa din mahanap yung cellphone ko. Then I've realized, kinuha pala nung gagong chonggo yung mobile phone ko.
PUNYETA!
Pano na ako neto? Pero dahil sa pagod, nakatulog ako ng mabilis ng walang alinlangan. Di ko na naisip kung binabasa na ba niya yung mga messages dun.
Bahala na
"Jillain naman eh! Naiwan ko yung cellhpone ko sa kanya, please lang kontakin mo siya!" Ako na nga tong nakikiusap di pa rin niya ako pinapakinggan.
nahulog siya sa kinauupuan niya sabay sigaw "ANO? Magkasama kayo kagabi?"
"So ina-announce? Ina-announce?ina-announce?"
"Unli?"
"Hinde nga, kasi nandun yung cellphone ko sa kanya" Bago pa man nakapagsalita si Jill, may umakbay sa aming dalawa. Tumingala ako only to find him looking straightly at me.
Shet, tama na Carl, di mo na kelangan pang magpapogi, pogi ka na talaga.
"Sino naman yung kasama mo kagabi, pat?"
"pwede ba carl, usapang babae to, layuan mo kame" Inunahan ko na si Jill bago pa man ito magsalita, baka kasi may masabi tong hinde maganda eh.
Simula kasi ng maging mag-on sina Carl at Gwen, uminit na ang ulo niya sa kanilang dalawa, at dahil nga may pagkataklesa ito, sinasabi nito lahat ng gusto netong sabihin.
"Babae naman ako eh, ay mare!"
"Layuan mo na si Trish, Carl, may boyfriend na yan"
O_O
Hala patay!
"akala ko tomboy ka Pat? Sino naman yung nauto mo?" sabi ni Carl sabay tawa.
Nainis ako sa sinabi niya, kaya imbes na bawiin yung sinabi ni Jillain, mas pinalala ko pa yung gawa gawang storya.
"siya yung nang-uto sa akin kaya ako nahulog sa kanya"
"kaya pala di ka nagreply sa text ko kagabi, hinde na pala ako yung nag-iisang lalaki sa buhay mo, except si tito ha!"
Hala, nagseselos ba to?
:")
"Asus, to naman!" sabi ko sabay galaw dun sa buhok niya.
"Pat naman eh! Wag ang buhok!"
"Gwapo ka pa din naman kahit magulo buhok mo eh"
Nasabi ko ba talaga yun?
O_O
"Gwapo ka pa rin para sa isang hayop" buti na lang nakaisip ako agad ng palusot.
Tapos ayun, kiniliti nanaman niya ako, tawanan.
Tinaasan na lang kame ng kilay netong si Jill.
"Jill, patay tayo"
"Bakit naman?"
"nagsinungaling tayo na may boyfriend na ako"
"ikaw lang"
"laglagan ba to jill? Bruha ka"
"totohanin mo, paibigin mo si Lance"
"di pwede, chonggo yun eh, nga pala, nakontak mo na ba siya?"
"oo, pupunta sila dito mamaya ni Paul, my love"
"Yuck! Ang cheesy niyo"
"Buti pa nga ako eh, may boyfriend. Eh ikaw. NBSB!"
"playgirl ka naman"
"bahala ka, mag-isip ka na ng gagawin mo, para mapaniwala mo yung si Carl na magboyfriend nga kayo ni Lance"
*sigh*
Bakit ba naging komplikado ang lahat?
Di naman ganito nuon ah, nuon, yung tanging pangarap ko lang ay yung makasama si Carl, kame lang dalawa. Nagmamahalan, kaso wala eh, di talaga. Wala na akong pag-asa.
Bigla ko na lang naramdaman na nahulog na pala ako sa kinauupuan ko, tinulak pala ako netong walang hiyang malandi.
O_O
OHMAHGAD!
"napa-aga ata sila Jill?"
Nagsasalita na pala akong mag-isa dahil hayun siya't nakikipaglandian na dun sa boyfriend niya.
Inayos ko muna syempre yung sarili ko, nakakahiya naman eh. Haharapin ko yung Unggoy tapos baka may makantiyaw nanaman yun. Mahirap na.
"Yung cellphone ko?"Maangas kong sabi habang papalapit sa kanila.
Baka di ibigay kapag maangas yung pananalita ko.
"Yung cellphone ko pala Lance?" Inayos ko ulit yung pagkakatanong.
"anong nakain mo ha pusang gala?"
Malapit na ako mawalan ng pasensya, pero dahil nga nasa kanya yung ericson ko, di ako pwedeng magtaray. Imbes na mainis, ngumiti na lang ako
"Mr. Ocampo, pwede ko na po bang makuha yung cellphone ko?"
Hinde pa rin siya sumagot, lumapit siya't inakbayan ako.
Chansing na ata to ah?
Si carl lang nakaka-akbay sa akin. Lintikan!
"Wag mo nga akong akbayan" Inalis ko yung kamay niya
"Oh sige, eh di wag. Aalis na ako" pagkasabi ay tinawag niya si Paul "mauuna na ako ha, sige"
"TEKAAAAAA!" narinig ata ng buong campus boses ko, nakakahiya.
Bwiset naman kasi tong taong to eh, kapag kinakausap ng maayos di nakikipag-usap ng masinsinan.
"ibigay mo na yung cellphone ko! Please lang! Nangingiusap na ako"
"sa isang condition"
"ano?"
"lumuhod ka habang hinihinge mo yun"
Ano ba to siya? Tunge? Para lang makuha yung cellphone ko kelangan ko pa talagang lumuhod? Bakit? Hari? Hari ka ba? PUNYETA mo!
Nilapitan ko siya, at nagsimulang
KUMAPKAP
"Hoi! chansingera ka pala eh noh? Gusto mo rin pala ako"
"FYI Mr. Chonggo, di ako mahilig sa saging, isa pa. Di ko type ang mga tulad mong unggoy"
Tapos ngumiti siya, yung ngiting nakakaloko.
"Wag ka ngang ngumiti diyan, asan na yung cellphone ko?"
Yumuko siya at nagwhisper sa tenga ko. Bigla akong namula sa sinabi niya
Walang hiya! Talaga lang!
Di ko namalayan pinagtitinginan na pala kame nung mga ibang studyante. Kahiya lungs!
Pero wala akong choice, nasa loob daw ng brief niya yung cellphone ko
Kadiring lalaki to
He gotta be kidding me
I made a move dun sa pants niya, natakot ata na baka buksan ko yun sa harap ng maraming menor de edad, including me, kaya ayun. Hinila niya ako
O_O
Hinihila niya ako papunta saan? :O
Oh my goodness, papunta sa sasakyan niya.
Eh diba kidnapping tawag dito? Diba?
HELP!
Di naman ako pwedeng sumigaw eh, kasi nakakahiya, ako yung lalapit lapit tapos ako etong sisigaw ngayon.
At eto namang si Jillain, di ako tinulungan, tinignan lang kame.
Bwiset na buhay naman oh.
"Palabasin mo na ako" pagmamakaawa ko
"Kunin mo na yung cellphone mo"
"Saan?"
Gusto ko ng hilain yung lahat ng buhok ko sa ulo sa pagka-frustrated ko dito sa chonggong to
"Sa brief ko nga diba? Bingi ka ba?"
"Manyakis ka din eh no?"
"Ayaw mo yung cellphone mo?"
"GUSTO! Ilabas mo na kasi!"
"Nasa brief ko NGA!"
"So ineexpect mo talaga na kukunin ko talaga yan galing diyan sa brief mo?"
"OO"
"Wala diyan, wag mo akong lokohin!"
"sige nga, saan?"
"Kung nandiyan yan bakit di bakat?"
Nasabi ko ba talaga yun? Natawa naman ako sa sarili ko. So tinitignan ko pala talaga yung baba niya.
Tapos may kinuha siya sa backseat.
Hayun pala ang cellphone ko, takutin ba naman ako at ipapakuha yun sa loob ng brief niya.
Lokong mokong to.
"Beee! Akin na nga yan"
"sa isang condition"
"Please lang, tantanan mo na ako diyan sa mga condition mong yan! Maawa ka na, nagmamakaawa ako"
"Ang sarap mo kasing tignan na naghihirap eh"
Aba! Tarantado.
Bago pa siya makapagsalita, kinuha ko na yung cellphone ko baka kasi itago nanaman niya eh may ipagawa nanaman sa aking katarantaduhan.
"Hoi"
Binagsakan ko na sya ng pintuan, binagsak ko talaga ng masira na tong honda civic niya, sa dami ba naman ng pwede pagtripan, ako pa talaga?
PAK
Tinakbo ko yung school namin, magriring na kasi ang bell, may klase pa ako. Alam kong di nanaman sisipot yung si Jillain, makita lang si Paul, kekerengkeng nanaman yun. Buti nga at di pa siya nakikick-out, may kamag-anak ka ba naman sa admin eh.
|
||||||