Gaya ng Dati
Mahirap magsulat ng tungkol sa isang taong hindi mo naman talaga kilala. Mahirap magsulat ng tungkol sa iyong matalik na kaibigan. Pero mas mahirap magsulat kapag sarili mo na ang pinag-uusapan.
Sa pagsisimula ko nito, ako ngayon ay nakatitig sa isang blangkong espasyo. Maraming naglalarong bagay sa isip at malayo ang tingin. Ang mga kamay ko ay parang may sariling buhay na nagtatype ng kung anong pumasok sa isip ko. Pero wala naman talagang bago dun. Madalas naman talaga akong ganito lalo na kapag naguup-date ako ng web blog entry ko at may biglang inspirasyong tumama sa utak ko at bigla nalang nangangati ang kamay kong magsulat. Pati na rin kapag may gusto kong isulat pero hindi ko mawari kung pano ko sisimulan. Parang ngayon.
Muli na namang naugkat ang pinaka ayaw kong tanung sa mundo. Pinaganda lang ang tawag dito pero kahit saang angulo mo tignan, iisa lang ang layunin nito: ang ilabas ang sarili sa liwanag mula sa madilim nitong himlayan.
Sarili ko nanaman. Sa maniwala kayo't sa hindi, masgugustuhin ko pang magpaalila sa pinakaiinisan kong tao sa buong mundo sa loob ng isang taon kaysa tapusin ito. Bakit? Marahil dahil nakakatakot suungin ang isang lugar na nababalot ng kadiliman. Mga pangyayari na pilit mo nang binabaon sa limot.
Pero Hindi mo rin maiiwasan sa itanung sa sarili mo kung sino ka na ba ngayon matapos ang labimpitong taon mong pananatili sa mundo? Anu na ba ang natutunan mo? Ano na ang narrating mo? At higit sa lahat, anu na ba ang naibigay mo? Siguro dahil din sa kadesperaduhan kong huwag ibigay ang hinigingi kaya napakahaba ng introduction ko. Pero hindi na pwedeng iwasan. Tinamaan na ko. Sapul na sapul. Wala na kong kawala ngayon.
Nitong nakaraang ika-21 ng Oktubre taong 2003, ako ay ganap ng labimpitong taong gulang. Hindi ako makapaniwala, labimpitong taon na akong buhay pero ganito paring ako, gaya ng dati. Dahil hanggang ngayon, tamad pa rin ako gaya ng dati. Hanggang ngayun ay abusado pa rin ako, gaya ng dati. Hanggang ngayon mahilig pa rin akong gumastos, gaya ng dati. Hanggang ngayon ay mahilig pa rin akong mabuhay sa panaginip na kahit kelan ay hindi maaring mangyari dahil tiyak maraming kokontra, gaya ng dati. Gaya ng dati nagtatago pa rin ako sa nanay ko kapag may tinatype akong ganito! Hindi ko alam kung bakit. Marahil dahil ayaw kong makita niya na nagiisip rin pala ang anak niya ng ganitong mga bagay. Baka bigla siyang magpamisa. Gaya pa rin ng dati, mahilig pa rin akong magpaliban ng trabaho. Lalo na yung mga trabaho sa eskwelahan. Kagaya na lang nito. Dapat kahapon pa lang ay tapos na ito. Lalong-lalo na yung mga trabahong malaki at kaylangan ng napakaraming oras bago matapos. Kagaya na lang ulit ng trabaho ko sa Pangkat Pinoy. Hanggang ngayon nakatunganga pa rin yung kwaderno ko na dapat sana ay may script na ngayon. Mahilig pa rin akong maggahol sa oras at maghintay ng inspirasyon. Madalas pa rin akong magtrabaho dahil may bigla biglang idea na pumasok sa isip ko at nangangati na akong gawin yon. At ang pinakamalupit sa lahat, gaya ng dati, mahilig pa rin akong umako ng trabaho na hindi ko naman talaga kagalingan kung gawin, pero gaya ng dati, sa awa ng Diyos, nagagawa ko naman ng maayos.
Sa napakahabang panahong nagdaan, wala akong masyadong pinagbago. Ganito pa rin ako. Dinadaanan ko lang ang problema. Hindi iniinda ang mga sakit na nararanasan. Pinipilit iwanan ang mga bagay na hindi maganda. Lumalakad at pinipigilan ang sarili sa paglingon. Pero napakahirap hindi lumingon. Lalo na kung nais mong malaman kung may nagsisisi ba kapag nasaktan ka nila o di kaya ay mayroon ka bang mga tao na natapik man lang ang puso. Napakaraming tanong. Sayang nga lang at kadalasan ay walang sagot.
Pero kung aalalahanin ko, mula pa noong bata ako, marami rin pa lang nagbago, marami na ring tanong na nasagot. Kasi, dati, gusto kong maging doktor. Pero san ako bumagsak? Sa isang paaralan na hindi man lang nagooffer ng kahit anung kurso na may kinalaman sa medisina maliban na lang sa psychology. Ewan ko ba kung kelan ko napagdesisyunang wag na lang magdoktor. Basta ang alam ko, nagpasya akong magsulat para sa tao habang third year high school ako.
Nangyari iyon noong sapilitan kaming pasulatin ng guro ko sa English ng isang tula habang pahinga dahil sa kapaskuhan. Kataon naman na nung araw din na iyon ay may pinabasa sa aking kwento ang kasama ko sa serbis na gawa din ng isang Pilipino. Nagandahan ako masyado sa kwento. Naiyak, at hanggang ngayon ay naiiyak pa rin ako kada binabasa ko ito. Kaya nga kapag binabasa ko iyon ay sinisigurado kong walang ibang taong nanunuod sa akin. Nakakahiya kasi. Medyo may kababawan kasi ang kwento. Pero naramdaman ko na talagang ginawa siya ng buong puso. Nakiawit ang puso ko sa kwento. Nakiiyak at nakitawa sa magandang katapusan. Kaya naman kinagabihan, kinandado ko ang aking sarili sa loob ng aking silid. Hindi ako nagpaistorbo kahit na halos lumawit na ang dila ng nanay sa katatawag sa akin. Alam niya kasing hindi ako gumagawa ng asignatura sa bahay, kaya naman tiyak kong magugulat siya kapag nalaman niya ang ginagawa ko. Baka bigla na lang siyang tumawag ng espiritista sa pagaakalang sinasapian ako. At nung gabi nga ring iyon, naisulat ko ang kwento gamit ang sarili kong mga salita sa tula. Habang sinusulat ko nga iyon ay nakikiiyak ulit ako sa daloy ng istorya. Pero syempre, hindi naman pwedeng hindi ko palitan ang ilang bahagi dahil hindi ako makarelate. Ayaw makiawit ng puso ko sa ibang parte ng istorya kaya naman iniba ko.
Natapos ang tula, dumaan ang pasko at bagong taon. Pasukan na ulit. Pinasa ko na ang tula ko. Pagkaraan ng ilang araw, habang abala ako sa pagtingin sa likuran ng upuan ng kaklase ko, dumating ang isang bagay na hindi ko inaasahan. Malayo ang tingin ko at hindi ako nakikinig. Akalain mo nga namang English na pala noon ang asignatura namin. Mahigit isang oras na pala akong nakatulala sa kawalan. Ang masaklap pa dun, tinatawag na pala ang pangalan ko at wala pa akong kamalay-malay.
Bigla akong napatayo at tila nabingi ako sa narinig ko. Hanggang ngayon, kada naaalala ko ang sinabi niya at ang reaksyon ko, hindi ko mapigilan ang sarili kong tumawa. Tinanung niya kasi kung ako daw ang sumulat nung tula. Napatanga ako sa guro ko at tinanong sa katabi ang sinabi niya. Pakiramdam ko kasi niloloko ako ng tenga ko. Oo ang sinagot ko. Pero hindi pa siya nakuntento dun. Tinanong pa niya ako ulit. Oo parin ang sagot dahil yun naman talaga ang tutuo.
Nung mga panahong iyon ay pakiramdam ko nasa court room ako at inaakusahan ako ng isang kasalanan na hindi ko naman ginawa. Matagal-tagal niya akong tinitigan. Kaya tinitigan ko rin siya. Nakakabingi ang katahimikan noon sa silid. Parang naririnig ko na ang tibok ng puso ng katabi ko.
Muli nananamang nagtanong ang guro ko. Ngayun naman ay tinatanung niya kung orihinal daw ang gawa ko o kinopya ko lang sa kung sinung hudas. Nagulat ako sa mga narinig ko. Hindi ko akalain na ganoon kababa ang tingin niya sa akin.
Oo, sige na, alam ko naman na wala akong talento sa pagsusulat pero tao ako. Taong may paninindigan.
Yan ang paulit-ulit na tumatakbo sa isip ko noong mga oras na iyon. Masakit tanggapin ang katotohanang ganun lang ang tingin sa iyo ng mga guro mo. Guro pa man din silang naturingan.
Syempre, oo pa rin ang sagot ko. Pinaliwanag ko kung paano ko nakuha ang istorya at pinaliwanag ko rin na ang tula at bunga ng aking pagkukulong sa silid sa loob ng isang gabi. Nakuntento na siguro siya sa sagot ko o kya naman ay nagsawa na siya sa katatanung para sa araw na iyon.
Bumalik na lang siya sa lamesa niya at doon ko narinig ang di kapanipaniwalang rebelasyon. Nagustuhan daw niya ang gawa ko. Nagustuhan niya. Matagal-tagal rin bago ko napagtanto ang sinabi niya. Natunaw bigla ang galit ko. Biglang nagging kalmadong dagat uli ang nagbabadyang malakas na alon.
Nagustuhan pala niya, sana hindi na lang niya ako ininsulto.
Para kasing pinalalabas niya na hindi ko kayang makagawa ng ganoon. Mali pala. Nainigurado lang siya na ako nga at wala ng iba pa ang gumawa nun. Nakahinga ako ng maluwag pagkatapos noon. Pero meron paring hindi mapalagay na bahagi sa aking sarili. Kaya naman sinabi ko ito sa kaibigan ko na malapit sa guro na iyon. Tumawag naman ang guro sa kaibigan ko. Para kong napunta sa langit sa narinig ko sa kanya. Wala daw sinabi ang guro naming kundi ang ganda ng tula. Ayun, naniwala na ang malaking bahagi ng aking sarili sa kakayahan ko sa pagsusulat. Nagpasya na ako na ayaw ko nang maging doktok. Susulat na lang ako. Isa nayan sa mga sagot na nakita ko.
Eto na ako ngayon. Isang manunulat sa isang site sa internet. Bagong salta lang ako kung tutuusin. Kapapaskil ko lang nga mga gawa ko nitong simula ng Nobyembre. Iilan-ilan lang ang nagrereview sa gawa ko. Pero ayos lang. Tanggap ko na kasi sa sarili ko na ako ay isang manunulat. Isa pa, madami- dami na rin akong naisulat. Mga tula, dula, at maikling kwento. Hindi ko pa nais magsulat ng nobela dahil yung mga maiikling kwento ko nga ay hindi ko pa tapos, nobela pa kaya.
Kaya ayan, hindi ko na talaga gustong magdoktor. Susulat na lang ako. Masaya kasi ako kapagnakakatanggap ako ng review mula sa mga mambabasa ko. Masaya rin akong nagsusulat ng review sa mga kapwa ko manunulat. Masaya ako sa buhay ko ngayon. Lalo na ngayon dahil sa tagal-tagal ng panahong ginugol ko sa paghahanap sa taong nagsulat ng istorya na una ko namang ginawan ng tula ay nakita ko na rin sa wakas.
Naguusap na kami ngayon. Magkaibigan na pinagtagpo ng isang site sa internet. Ang paguuusap naming ay mababaw lang kung tutuusin. Pero para sakin, para akong nakajackpot sa 'Game ka na ba?' Daig ko pa ang nanalo ng isang milyon sa sobrang saya ko nung isang araw nang sagutin niya ang email ko. Maihahalintulad ako sa isang die-hard Harry Potter fan na binigyan ng autograph ni J.K. Rowling na may kasama pang halik at madaming advise at words of encouragement. Isang pangarap na natupad. Mababaw, pero para sa akin, napakalaking bagay nito. Dahil kung hindi dahil sa istorya niya, hindi sana ako napuri ng titser ko. Hindi sana ako nainspire na magsulat. Wala sana ako sa Miriam ngayon. Hindi sana ako masaya ngayon.
Sa buhay ng tao, isang daan lang ang maaari mong daanan. Depende na sayo kung aling daan iyon. Sa buhay ko, nais kong daanan ang lahat ng landas. Nais kong abutin ang mga tala. Nais kong gawin ang lahat ng imposible. At nais kong mabuhay ng paulit-ulit. Tama lang siguro na maging isa akong manunulat. Dahil sa isang simpleng bolpen at papel, maari kong daanan ang lahat ng landas, abutin ang mga tala, gawin ang lahat ng imposible, mabuhay ng paulit-ulit at may bonus pang happily ever after.
Eto ang kwento ng buhay ko. Walang masyadong nilalaman. Hindi na kasi mahalaga ang nakaraan para sa akin. Ang bigla kong pagbabago ng isip ang mahalaga. Ang ngayon at ang hinaharap.
Walang kasiguruhan ang hinaharap ko ngayon. Sa ugali ko, mukhang wala akong patutunguhan. Pero matindi ang paninindigan ko sa buhay. Kaya lalakad ako ng diretso, gaya ng dati. Hindi ko iindahin ang mga problema, gaya ng dati. At gaya rin ng dati, magtatagumpay ako.
Author's Notes:
I know, redundancy does not become me. ^^;;