Pwede ko bang sabihin na mahal kita
Kahit na alam kong hindi mo nakikita
Pwede ko bang sabihin na ika'y akin
Kahit na alam kong may iba na sayong umaangkin
Pwede ko bang sabihin na ako'y sayo lamang
Kahit na alam kong hindi mo yon alam
Pwede mo bang sabihin kung ano ako sayo
Kahit na alam kong kaibigan mo lang ako
Pwede ko bang sabihin na ikaw ang buhay ko
Kahit na alam kong balewala ako sayo
Pwede ko bang sabihin na mahal mo rin ako
Kahit na alam kong iba ang tinitibok ng puso mo
Pwede mo bang sabihin na mahal mo ako
Pwede ba?