Sana Lang...
Maganda ang bayan ng San Diego. Malinis ang paligid. Tahimik ang nayon. Mababait ang mga mamamayan. Ngunit sa kabila ng kagandahang ito, mayroon ding mga di- magagandang pangyayari ang nagaganap dito. Mga masasamang pangyayari na ikinukubli ng kagandahan ng bayang ito.
Sa kadiliman ng gabi, lingid sa kaalaman ng mga mamamayan, isang di- magandang pangyayari ang nagaganap. Isang pangyayari sa pagitan ng matandang kura at ang kanyang mga sakristan.
'Ang iyong ninakaw, ibalik mo!', bulalas ng isang matandang kura.
'Hindi ko po iyon ninakaw. Maniwala po sana kayo', ang tanging naging tugon ng bata.
'Ikaw ang nagnakaw niyon. Ibalik mo na ang nawawalng salapi!' ang wika muli ng matandang kura. 'hindi ka makauuwi hanngang hindi mo naibabalik ang salaping iyong ninakaw.' Patuloy nito.
'Ngunit ang aming ina, naghihintay siya sa aming pag-uwi.' ang wika ng bata.
'Wala akong pakialam. Hindi ka makauuwi hanggang hindi mo naibabalik ang salaping ninakaw mo.' Ang wika pa ng kura.
Patuloy na pinilit ng kura ang kaawa-awang batang sakristan na si Crispin na ibalik nito ang salaping nawawala. Bagama't hindi nakasisiguro na si Crispin nga ang salarin, siya na ang ginigipit ng kura. Naniniwala siyang ang bata nga ang kumuha ng salapi na ngayon nga ay nawawala. Ang nakatatandang kapatid naman ng bata ay wala ng magawa kundi panoorin na lang ang namamagitan sa pagitan ng kapatid at ng kura.
Ang mga pangyayaring tulad ng ganito ay, bagama't hindi naman bulagar, ay likas na sa bayan ng San Diego. Hindi lang sa mga sakristan tulad nila Crispin at nakatatandang kapatid nito na si Basilio, ngunit pati sa mga kaawa-awang mahihirap na Indio. Dahil sa bayang ito, ang mga Kastila ang nasusunod at ang mga Kastilang pari tulad ng kura ay kinatatakutan ng lubos.
Ding... Dong... Ding... Dong... Malakas na ugong ng malaking orasan, hudyat na ika- walo na ng gabi. Tahimik na ang paligid. Pinagbabawalan na kasi ang magpalakad-lakad sa Kalye ang mga mamamayan kapag sumapit na ang gabi. Hinuhuli ang sinumang makikitang palaboy- laboy sa lansangan.
Sa kadiliman at katahimikang ito nagkukubli sa Basilio. Bagama't sinabihan ng kura na hindi pa siya maaaring umuwi, naglakas loob pa rin siyang tumakas. Nais na niyang makauwi at makapiling ang kaniyang ina. Nais niyang makasama ang mahal na ina pagkatapos ng naganap ng gabing iyon. Nais niyang ibsan ng ina ang kanyang nararamdamang kalungkutan at takot para sa nakababatang kapatid na si Crispin.
'Basilio anak, halika't pumasok ka na. Gabi na. Ngunit, nasaan ang iyong kapatid?' paguusisa ng nagmamalasakit na ina.
'Si Crispin po ay..."
'Halika at pumasok ka na. Baka ginawin ka pa diyan sa labas. Dito mo na lang sabihin sa akin kung bakit hindi mo kasama si Crispin,' ang wika pa ng inang si Sisa.
Pumasok si Basilio sa kanilang munting tahanan. Pinagmasdan niya ang kaniyang ina. Maganda ito kung tutuusin. Galing sa mayamang pamilya. May pinag- aralan. Ngunit dahil sa pagmamahal nito sa kanyang lasinggerong ama, tinalikuran nito ang kanyang kayamanan.
Hindi masabi ni Basilio ang tunay na nanyari. Mahal siya ng kanilang ina kaya alam niya na mag-aalala ito ng husto kung ipagtatapat niya ang katotohanan. Pinili na lang niyang manahimik dahil wala naman silang magagawa. Alam niyang mahirap lang sila. Isa pa, mga Pilipino sila. Mga Kastila lang at mayayamang Pilipino ang pinapahalagahan ng pamahalaan ng bayang ito. Wala na siyang magagawa kundi ang tanggapin na wala na sa kanilang piling ang kapatid na si Basilio.
Lahat ng tao sa San Diego, nagbubulag- bulagan lamang sa mga nagaganap. Ang totoo, alam nila ang mga kaganapan. Yung nga lang, nanatiling nakasara ang kanilang mga bibig. Natatakot silang kung tutulungan nilang ang mga kaawa- awang naaapi ay baka sila naman ang apihin. Iniisip lamang naman nila ang kapakanan ng kanilang mga pamilya.
Humingi man sila ng tulong sa opisyal ng kanilang pamahalaan ay hindi rin sila nito matutulungan. Mga Kastila ang mga ito at tiyak na mas tutulungan ang mga Kastila ring tulad nila, kahit na alam ng mga ito na ang huli ang nang-aagrabyado at nagpapahirap sa mga kaawa- awang Indio. Iilan lamang ang mga nais tumulong sa mga naaapi. Ngunit hindi lahat ay kaya nilang tulungan dahil may limitasyon din naman ang kanilang kakayahan.
Tulad na lamang ni Don Juan Crisostoma Ibarra. Naririyan siya at handang tumulong sa mga taong nangangailangan ng kanyang gabay. Ngunit lagi ba siyang magiging kaagapay ng mga tao kapag kailangan nila ito? Marami din siyang mga pansariling problemang kinakaharap. Sana naman ay mapuna ng mga tao na kahit siya ay nangangailangan din ng kanilang tulong. Sana lang ay magtulungan sila upang masagip ang isa't- isa. Sana lang ay matuto silang magmalasakit sa mga taong naaapi. Sana lang....