Bakit Ba?

by battousai24

Bakit ba mahirap?
Ni ngumiti at magsalita
Ang hirap, di ko magawa

Ni hindi ako makatingala
Para bang hindi ako makagalaw
Ang hirap, di ko makaya

Bakit ba tuwing dumadaan ka
biglang makalilingon, biglang ngingiti?
Minsan tumatawa, minsan nag-iinit
at namumula ang mukha
Bakit biglang lumiligaya?

Bakit ba malabo?
Hindi man lang ako makasagot
Ni umungol at umingil
Ang hirap, di ko magawa

Ni hindi ako makaintindi
Para bang walang naririnig
Ang hirap, di ko makaya

Bakit ba tuwing nariyan ka
biglang titingin, biglang ngingiti?
Minsan pa'y tulala habang pinagmamasdan
at kung anu-ano'y iniisip
Bakit ako bilang sumasaya?

Ganoon ba talaga?
Ang pag-ibig ba'y tunay ngang napapasaya
Akala ko walang kwenta, pinagtabuyan ko pa
Pero nung andiyan ka na, wala nang magawa

Bakit ba tuwing kasama ka
biglang walang paki, sayo lang nakatingin?
Minsan pa'y biglang ngumingiti
Kahit alam naman na masakit