Hating Gabi

Sinabi ko ba sa iyo
Na 'di na kita gusto?
Dahil naaalala ko pa
Noong tayo'y bata pa
Hindi tayo naghihiwalay
Kahit kailan pa

Chorus 1:
Maaari ko bang hawakan ang iyong mga kamay?
At balikan ang nakaraan
Maaari ko bang sabihin na mahal pa kita?
O baka iwasan lang at pagtabuyan pa

Sinabi ko ba sa iyo
Na ikaw lang at ako?
Ang aking naaalala
Simula noon pa man
Hindi kita malilimutan
Kahit kailan pa

Chorus 2:
Maaari bang panaginipan ang iyong mga ngiti?
At balik-balikan ang mga pinag-usapan
Maaari mo bang pagbigyan sa isang halik mo lamang?
O baka naman sabihin mong wag nalang

Ilang gabi pa bang
Ikaw ang iisipin?
Ilang araw pa bang
Nakatulala?

Maaari mo bang samahan ako ngayong gabi?
At pagusapan ang mga nakaraan
Maaari mo ba akong bigyan ng isang halik mo lamang?
At maaari bang hawakan ang iyong mga kamay?