Meron akong hiling

Sana'y pagbigyan

Dahil nais ko lang maramdaman

Dahil nais ko lang maranasan

Ang mga bagay na kahit kailan

Ay hindi ko na inisip

Bayaan mo akong lumaya kahit sandali

Bayaan mong lumiwanag ang aking paligid

Lisanin saglit ang kadilimang kinasasadlakan

Makatakas sa kalungkutang sa aki'y nakatali

Sana'y pagbigyan mo ako

Ngayon lang ako hihiling

Bayaan mong makita ko ang kanyang ngiti

Bayaan mong madama ko

Ang tuwa niya at lungkot

Bayaan mong mahawakan ko

Ang kanyang kamay

Mayakap siya

Makasama

Kahit na pansamantala

Kahit na isang minuto lang

Ng aking buhay

Gaya ng isang panaginip

Alam ko mahirap yon para sayo

Pero pagbigyan aking hiling

Dahil nais ko lang siyang mahalin