Akala ko

Akala ko noon kaya ko

Ang maghintay sayo

Akala ko noon kaya ko

Ang magmahal ng kagaya mo

Akala ko noon kaya ko

Ang magtiis para sayo

Akala ko noon kailangan ko magbago

Akala ko noon hindi ako sapat para sayo

Akala ko noon may pagkukulang ako

Akala ko noon ikaw ang kailangan ko

Akala ko noon ikaw ang kulang sa buhay ko

Akala ko noon ikaw ang buhay ko

Pero ngayon hindi ko pala kailangan magbago

Hindi ko kailangang paltan kung ano ako

At hindi ko pala kailangang ipilit ang sarili ko

Ngayon naisip ko hindi pala

Mabubuhay pala ako ng wala ka

Patuloy pala ang pag-ikot ng mundo kahit hindi ikaw ang kasama

Ngaun hindi ko pala kailangang maghintay

Na para bang habambuhay

Ngaun hindi ko na pala kailangang magtiis

Na para bang ang buhay ay puro na lang hinagpis

Ngaun naisip ko hindi lang pala ikaw ang tao sa mundo

May iba pa diyan na mamahalin ako di kagaya mo,

Binalewala lang ako