Mahal mo nga ba ako?

Sabi mo sa akin mahal mo ako

Ang tanong ko, mahal mo nga ba?

Kung gayong hindi mo naman ako kilala

Paano mo nasasabing mahal mo ako

Gayong may mahal kang iba

Sabi mo sa akin mahal mo ako

Ngunit kahit kailan hindi ko nakita

Mahal mo nga ba ako?

O pinapaikot mo lang ang ulo ko

O baka naman biro lang ang lahat ng ito

Sabi mo sa akin mahal mo ako

Pero kahit kailan hindi ko yon naramdaman

Mahal mo nga ba ako?

O baka naman manhid lang ako

O baka naman nagtatangatangahan lang ako

Sabi mo sa akin mahal mo ako

Totoo ba ito?

Mahal mo nga ba ako?

O mali lang ang narinig ko

O baka naman nabulag lang ako

Sabi mo sa akin mahal mo ako

Mahal mo nga ba ako?

O sinabi mo lang dahil trip mo

O baka naman wala ka lang sa sarili mo

Sabi mo sa akin na mahal mo ako

Mahal mo nga ba ako?

O baka naman dahil nalaman mong may gusto ako sayo

O baka naman kinaawaan mo lang ako

Mahal mo ako, alam mo ba ang ibig sabihin non?

Paano na lang kung mali lahat ang inakala mo,

Mahal mo pa rin kaya ako?

Kung biglang magbago ang isip mo

Sabihin mo sakin naghihintay ako

Dahil nais kong malaman kung totoong

Mahal mo nga ako