Para

Kung minsan ang araw ay lumulubog, lumulubog
Huwag mag-alala ang araw ay sisikat rin, sisikat rin
Parang mga problema, bigla nalang lilitaw
Tapos bigla na lang, kusa na lang mawawala

Kung minsan ang pag-ibig ay bigla na lang mararamdaman
Tapos bigla nalang mananakit ang iyong puso, ang iyong ulo
Tila parang ulan na bigla nalang bumubuhos
Tapos bigla na lang, kusa na lang tumitigil

Chorus:
Para na lang, puro para
Para nanaman, bakit puro para?
Ano ba? Titigil na ba?
Papara na ba?

Para naman, diyan lang sa tabi
Ano ba? Tumigil ka?
Ano ba talaga? Titigil ka ba?

Kung minsan ang buwan ay, kabilugan, kabilugan
Wag mag-alala kung ang buwan ay nahahati, nahahati
Parang mga kaibigan minsan buong buo
Tapos bigla na lang, kusa na lang mahahati

Chorus

Kung minsan ang mga bituin ay nawawala, nawawala
At kung minsan naman ay napakarami, lalong dumarami
Parang lang mga tao, nawawala, nawawala... at namamatay
Tapos bigla nalang, dumarami... kusa na lang nabubuhay

Chorus



A/N: It's not much, but please R&R. I'm new at writing Filipino songs and I'm not good at writing anything in Filipino. Also, sorry for the repetition of some stuff. It's just the way it is.