hey,, my first poem uploaded. it's actually one i did for my pinoy3 requirement.i don't know if it's good but since my pinoy3 teacher has accused me of copying this from the newspaper and has kept on insisting he has already read this poemand has kept on bugging me if i had published this poem already, i think this is quite good. i'm just not sure if my teacher was complimenting me because my poem is good enough to be published in the national paper or if he is insulting me by calling me a liar, a thief and a plagirizer.

anyway..


May pasulat-sulat, patext-text pa ako

Todo kilig sa bawat sagot mong bago

Kahit isang salita lang nilagay mo

Sagotko "I do," kasal na ay planado.


Ano ba ang pumasok sa aking ulo?

Sana sandaling kabaliwan lang ito

Nang nangarap, nang umasa, nang ginusto

Na may kahitnatnan, paraisong "tayo."


Siguro nga ako ay 'sang masokista

Sapat na sa akin ang ika'y makita

Kahit na iba, kahit na siya kasama

"Kung sa'n ka masaya, suportahan taka!"


Ngunit ngayon, sa wakas natauhan

Na lahat ng ito'y walang pupuntahan

Sabi ng utak, ikaw ay kalimutan

Tangang puso ko, ayaw naman pakinggan.