Naghahanap

Naghihintay

Nangangarap lamang ba talaga?

Nakangiti

Ngunit lilipas

Maya maya mga mata'y lumuluha na

Nasan ka?

Tila 'di ko na alam

Kung san patungo

Patungo sa'yo

Malayo ang tingin sa dilim

Para bang umaga'y nariyan na

Hinihintay

Maubos ang mga bituin

Kailan kaya

Ako'y magigising

Na ika'y kapiling

Nag-iisa

Nag-iisip

Ng isang awiting para lang sa'yo

Naririto

Lamang ako

Sayo'y inaalay buong puso ko

Nasan ka?

Tila 'di ko na alam

Kung san patungo

Patungo sa'yo

Malayo ang tingin sa dilim

Para bang umaga'y nariyan na

Hinihintay

Maubos ang mga bituin

Kailan kaya

Ako'y magigising

Kailan kaya

Ako'y magigising

Kailan kaya

Ako'y magigising

Ikaw ang kapiling