Napapansin mo kaya ako

sa dami naming bituin

nakikita mo ba

ang aking kinang

na para sa'yo lamang

sa gabing puno ng kagaya ko

kailan kaya ako maiiba

magiging pinakamaganda

sa iyong paningin

sa dami naming bituin

tuwing gabi ako sayo'y nakatingin

naghihintay

masuklian ng iyong ngiti

ako naman sana

ituro mo sa binibining

lagi mong kapiling

alam ko mahalaga siya sa'yo

dahil pinapakita mo sa kanya

bituin na pinakamaganda

ngayong gabi ako naman

nakakalungkot man

malamang may mahal ka na

pero salamat

dahil sa kanya

lagi kitang nakikita

tuwing gabi

habang hawak mo siya

nakatingin na lamang

dahil kahit kailan

'di ka magiging akin

ngayong gabi

ako sana ang mapansin

ipapakita ko

magandang ningning

tiyak ngingiti siya

at alam ko ikaw rin

ang kasiyahan niya

ay kasiyahan mo

at ang kasiyahan mo

ay akin

sana ako'y mapansin

kahit isa lamang akong bituin

isa sa napakadaming bituin.