May saysay pa ba

aking mga salita

may halaga pa ba

aking mga tula

o wala na

baka naman sadyang wala

sumasakit na ba mga mata

ayaw ng marinig

mga salitang nagsasabi

ng aking nadarama

mga tulang nagpapakita

kung gaano ka kahalaga

kung gaano kita kamahal

napapansin mo ba

nababasa

mga mensaheng doo'y nakapaloob

kwentong mula sa tula

mensahe mula sa kwentong

dahil sa'yo

para sa'yo

ikaw ang tula