Nang Nagmahal at Lumuha ka

Nagmahal ka, di lang para sumaya
nagmahal ka, dahil sa kanya
nagmahal ka, dahil gusto mo ito madama
nagmahal ka, dahil alam mo ito ang tama

Napaisip ka, mahal ka pa ba niya
napaisip ka, ngayon puno ng kaba
napaisip ka, "Iwan kaya niya ako?"
napaisip ka, habang lumuluha ang 'yong puso

Nadama mo, minahal ka rin niya
nadama mo, ngayong linoloko ka na
nadama mo, mahirap pala siya pakawalan
nadama mo, ang pamamaalam na di inaasahan

Iniyakan mo, iyong inisip ang mga nakaraan
iniyakan mo, na para bang wala nang bukas
iniyakan mo, ang pagibig na akala'y walang hanggan
iniyakan mo, dahil alam mong iyon na ang wakas.

Note: I am actually feeling that stuff at the moment so that's so true for me right now.