Ang natitirang paraan

Para marinig kita

Madama kahit papaanong nariyan ka

Nakakalungkot

Dahil pati 'yon pinagkakait

Bawal

Kaya kahit ayaw ko pang magpaalam

Hindi na rin ako nakapagpaalam

Dahil kinuha na yung telepono

Wala akong nagawa

'Di na lang ako nagsalita

Hindi naman kasi maiintindihan

Ang dahilan

Kaya hawak ko ang telepono

Na sa bawat pagpindot ng numero

Bahagyang nababawasan

Ang pangungulila ko sa'yo

Maririnig ka na

Ang boses mo

Ang tinig ng anghel ko